Quantcast
Channel: Kwatro Khanto
Viewing all 186 articles
Browse latest View live

X-Men: Days of Future Past

$
0
0
Blogs not dead! Hiatus lungs at pahinga pero hindi pa marahil patay. 

Bago ako magpunta sa boracays para makaapak for the first time, bigyan nio me ng time para mag review-reviewhan ng peliks na kapapanoods ko pa lungs.

Ito ay ang review ng peliks na 'X-Men: Days of Future Past'.




Hephephep!


As always, meron kayong dalawungs option.... Go On or Go Home! hahahah. parang sa game show lang.

Syempre, ang susunod na eksena ay medyo tadtad ng spoiler at halos buods ng wento kaya naman kailangan ninyong mamili kung tutuloy or tama na, skip read ganyans.


Decided na????








Sure?????






Seriously????

Okay, let's go!


Magsisimula ang pelikula, sa future tense (future tense talaga? Oo, walang pakealamanan!). Ang mga mutants ay hinuhunt ng mga descendants ni Robocop called Sentinels. Pero may something incredible sa mga robots na itwu kasi they have the capability to shape-shift and change.

Then, sa isang hidden base, andoon ang mga mutants like sila Bishop, Collosus, Shodowcat, Iceman, Sunspot, Warpath and Blink (hindi po sya si blueblink). Sinugods sila at poor-poor mutants kasi kahit medyo magaling na sila sa pakikipaglaban ay natalo at nakill sila...not



It turns out, si Shadowcat ay may kakayanan na makapagpabalik ng memory ng someone to warn the past kung anong magiging ganap sa future. So medyo nakaligtas sa kapahamakan sila, temporarily.

Tas dito na papasok ang grupo ni Professor X, Magneto, Wolvy at Storm. Nag-rendezvouz sila with the groupie of Bishop. Tapos nakahanap sila ng way para may possibility na mabago ang future. Ito ay gamitin si Logan (hindi bebet ang pers name)upang makabalik sa katawang lupa sa past at i-inform ang yuppies na si Prof.X at Magneto para pigilan ang punot-dulo ng ganap... si Mistake este Mystique.


So hayun na nga, back to the past ang dramarama ni Wolvy. Kailangan niyang maconvince si Charles na galing sya sa future ekek. Di lungs yun, kailangan din niyang mapa-cooperate si Magneto dins.



Sa past, kailangan nilang hanapin at puntahan ang babae na malapit kila Magneto at ProfX.....

ooops, nag-shape shift lungs....


Heto kasing girl on fire na nagvolunteer na maging tribute  blue shape-shifting girl kasi ay may balak magrevenge sa isang taong nag-eexperimento sa mga mutants. Balak patayins ni Mystique ang tao na siyang promotor ng mga sentinels......

Nope, kaloka-like lang ni Tyrion


Magtagumpay kaya si Wolvy sa task na binigay ni Big Brother sa kanya or baka mawalan sila ng weekly budget? 

Ang gitnang part at ang ending ay di ko na iwewento, kailangan ninyong manoods kasi worth it!

Score? 9.5 for me! Nagustohan ko sya! Kumbaga sa instagram, may heart, kung sa chwirrer, pineborits, kung FB, ni-like! 

Gusto ko yung opening pa lungs, maaksyon na! Yung labanan ng sentinels at mutants... Tapos yung eksenang ginamit na ng sentinels yung capability to change tapos natalo at napatay yung mga mutants, grabe, nakakadurog ng feelings.... yung napapa-shet at awwwww ako.

Gusto ko din yung part na humingi ng tulong kay Quicksilver. Hahahah, cool yung part na slow-mo ang eksena dahil uber bilis ni Quickieboy.

Nostalgic din yung makita yung mga old x-men characters... 

All in all, pasok sa jar at dapats panoorins! Sulit ang bayads sa sinehans!

kakashowing lungs sa sinehan kaya go na this weekend!

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take care!

Pahabol: Wag kalimutan antayin ang after credits cheverlins.... Exciting ang next na X-Men preview... 4 horsemen :D

Maleficent

$
0
0
Hello there! Kamusta naman na kayo? Been a week na pala ng last na nag post ako sa aking bloghouse. Hope ay nasa mabuti kayong kalagayans. Bukas friday na, weekend na sa ilan. Okay na para manoods ng sine.

At dahil nadaan na sa usaping sine, heto ako at may iwewento at iiispoil na peliks. lols. Eto ay ang review-reviewhan ng peliks ba kakapanoods ko pa lungs. Ito ay ang peliks na 'Maleficent'.


Tulad na ng nakagawian at nakasanayan, mayroon kayong option sa ganitong pagkakataon. Magpapatuloy sa pagbabasa or panggap lang tapos skip read and close page.

Let's countdown!


ala Dora style!

Diyes!

Nueve!

Otso!

Siyete!

Sais!

Singko!

Kwatro!

Tres!

Dos!

Uno!

So keri na? Let's go!

Mag-uumpisa ang wento sa intro kung saan may 2 kingdoms, ang enchanted kingdom at toy kingdom! Char! Kingdom ng humans at kingdom ng mga enchanted folks ganyans.

Sa enchanted kingdom ay may isang mabait at busilak na faery, siya si Maleficent. Medyo kakaiba siya kasi malaki ang kanyang wings na parang agilawish at meron siyang sungay na parang antelopish na kalabawish type.

One day nagcross ang landas ni Maleficent at isang batang lalaki named Stefan (hindi po Mori ang apelyido). Medyo nag-PBB teens ang dalawa at nagka-inlabobohan ganyan.

Stefan, Maleficent sitting on a tree, k-i-s-s-i-n-g!

Kaso dahil sa pangarap ni guy, iniwan niya si Maleficent na tila hindi nadidiligan. Lols. Nagmature si Maleficent at naging si Lara Croft with wings and horns.


Then ang haringkingkingking ng human race ay medyo greedy at gustong sakupin ang place ng mga enchanteds. No-no-no-no-way ang kinanta ni Maleficent at nagkaroon ng clash of titans between humans and enchanteds. Olats ang humans. Huhubells ang nangyari sa haringkingking.


Di ko kayang tanggapin ang binirit ni haringkingking! Kaya nag-utos siya na kung the who ang makakatalo or makakapatay kay Maleficent ay magiging tagapagmana ng trono.

Boom! Naglalagablab ang pagkagahaman ni Stefan sa nadinig. Gorabells siya kay Maleficent kunwari concerned. Pero di niya magawang pumatay kaya ang ginawa ay pinutol nito ang malaking pekpek este pakpak ni Maleficent. At naging King si Stefan!


Medyo dito na papasok yung story na alam ng madlang folks. Sa isang kingdom, may batang girlaloo named Aurora ang isinilang. Bibinyagan siya and almost everyone is invited ganyan.

Dahil bitter at asar-cesar padin sa kagaguhan ni Stefan, ininvite ni Maleficent ang sarili niya! Oha! At alam nio na dapat ang nangyare unless di ninyo knows ang wentow ni sleeping beauty... Korek! Sinumpa ni Maleficent si baby Aurora na pagsapit ng 16th bday nito, madedevirginize siya! charot lang! Matutusok ng titi spindle si girlay at mahihimlay ng eternity cheverlins. at ang tanging makakalpagtanggal lungs ng curse ay ang truelove sex este kiss.


Dito na magkakaroon ng alteration ang wents kasi after the curse si Baby Aurora ay pinabantayan sa taklong shungangers at boplogs na pixies/faeries. Tapos isa pa sa faery ay si Dolores Umbridge ng Harry Potter! Nakakakulo ng blood! hahaha.


At dahil muntanga lungs tong epaloids na faeries, kahit si Maleficent ang nag-curse kay Aurora, siya padin ang tila naging fairygodmother nitow.

Inalagaan at binantayan si Aurora ni Maleficent kasama ng kanyang trustful at loyal na tauhan na crow na nagbabago-bago ang anyo depende sa magic ni Maleficent.


Naging dalaga na si Aurora at tila napamahal na kay Maleficent ang kiddo. Nagkaroon pa nga ng time na sinubukang alisin at ilift yung curse kaso powerful ever ang sumpa na ginawa.

May hawig sya dun sa psychotic kid sa walking dead. 
(may side comment lungs)

Unfortunately, kailangan na talagang sumapit ang takdang panahon. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros Aurora at natuklasan na niya ang truth or kochikwens. Nalaman niya na sinumpa siya ni Maleficent at na may Daddy sya. SO napunta ng palasyo si Aurora at dun na siya na tusok ng needle (junkie ata tong si Aurora nagtuturok! hahaha)

At dito na eeksenang muli ang bida-kontrabida dahil sa napamahals na sa kanya ang bagets na si Aurora, dinala niya sa palasyoyung prinsipe na possibleng maging truelabs-kiss ni Aurora.

Di na inintindi much ni Maleficent na gaganti si Stefan sa kanya. Sugod mga kapatid ang peg at pumunta sa kastilyo para iligtas sa eternal slumber partey si Aurora.


At frinench-kiss ni prince si Aurora at they make lab ganyan! naaaaah! Syempre joke yun!

Di ko na iwewento ang susunod na ganap para bitin at para panoorin niow! Hello! kakapagod kaya iwento ng 100% ang storey! lols.

Score: 9.5!

Woot! Taas!

Gusto ko ang effects, ang twist ng wento and the other details.

Pero ang nagpataas ng rating for me ay yung iba yung impact ng dating ni Angelina Jolie bilang si Maleficent. Bidang-kontrabida na imbes na kainisan mo sya, parang, wow! go go go! They deserve that shitness lalo na kay Stefan pakshet! hahaha.

Eto yung moment na you root for the villain.

Medyo nabawasan ang score dahil nababadtrip talaga ako dun sa faeries sarap pitikin lalo na si Dolores Umbridge!

Must watch peliks to! Hehehehe.

O sya hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!


Sari-saring anik-anik

$
0
0

Another month ang dumating. Hundyat na nangangalahati na ang taon. Sa mga ganitong panahon, oras nanaman para mag-random thingies.

1. While on, fb, nakita ko ang imahe sa ibaba. Ito ay ang personality traits ng disengaged employees. Nalungkot ako dahil 4 out of 13 ay lumalabas na sa aking work life. 



2. Usaping opis, madami ngayon at ng nakaraang buwan ang news ng kakilalang nagresigns. Kakasad na kaganapan lang.

3. Di ko alam kung mapagbiro ang tadhana, pero sa tuwing masama ang pakiramdam ko at ako ay absent, doon may kainan sa opis o kaya naman may team meeting. So sad lungs. Like may balat ata me at di mapalad sa ganitong bagay.

4. Sa opisina padin, may mga task/ training na tila ngayon lang nila ginagawa. Well, minsan naiisip ko, ngayon lang nila naisip yung mga ganitong anik-anik. Yung feeling na parang pakunswelo na lungs at saka nila naisipan ang ganto kung kelan parang down na ang mga tao/employees. lols.

5. Gusto kong mag Dunkin Donut para makakuha ng Transformers figure.


6. Nag-enjoy ako sa trip sa Boracay. Di ko lang mashare kasi kapag sa bahay ako gagawa, mahina ang signal ng sun. Kapag sa opis naman yung lecheng proxy ng internet blinoblock ang blogger. 

7. Nawento ko last random na medyo phumiphysical activity me via volleyball. Pero last saturday, parang i feel totally idiot sa laro. Hahaha. Mga mamaw sa Vball yung mga players. Tas i'm super banban na walang skills. Saklups.

8. May taklong kasals akong aattendan this year, 2 for this month at isa sa august. Napaisips ako, ako kaya??? lols. Kung jowawits nga waler.

9. Napanood ko yung ghostserye na 'Master's Sun'. Honestly, mas nagustuhan ko to kesa doon sa seryeng 'He Who Came from the Star'. Mas may kilig tapos may mumu-mumu pa.

10. Sabi sa balita tapos na ang summer, tag-ulans na! Pwede na kumanta ng songs like 'ulan', 'Sukob na', 'Tuwing Umuuulan at kapiling ka' ganyans.

11. I need to cut down sa gastos sa pagkape... Kailangan magamit for travel fund.

12. Nagplaplano kaming mag-ipon for a trip to Korea by 2015. Hopefully makaipon at makahanap ng seat sale ganyan.

13. 2 weeks break ang One Piece na manga. Huhuhu, kakabagot mag-antay.

14. Medyo naghihingalo slight ang PC ko, laging nagcracrash ang video driver chenes.

15. Di pa ako bibitaw sa pagblog. Hopefully may di pa bumitaw sa pagbasa ng kung ano-anong winewento ko.

Hanggang dito na lungs muna! take care Folks!


Boom Boracay Day 1

$
0
0
Hey! Howdy! Kamusta na kayo mga masugid na mambabasa ng Kwatro Khanto? Sana ay oks na oks kayo. 

Last month, namasyal me sa kung saan at ngayon ay may chance na akong magwento dahil ayoko naman na matambakan ng anik-anik. 

Heto na ang wento ng aking Boracay Adventure. 


Last May 22, ako kasama ng mga opisfriends ay nagbyahe papuntang Kalibo dahil ang mga seatsales ay mabilis maubos kung Caticlan ang ruta papuntang Boracay. Hapon ang byahe namin, mga around 4:50pm pero dahil sa mga delay, mga before 7 na kami nakaalis. 

Gabi na ng dumating kami sa Kalibo. Since gabi na at di kami sure kung may byahe ng bangka papuntang Bora, nagdecide kami na magpalipas ng gabi sa bayan ng Kalibo. Naghanap kami ng murang dormitory type na matutulugan sa gabi.

Arrival sa Kalibs 

Ang Inistayan for a night at ang kainan for Man's bday

After makahanaps ng murang matutulugan, nag-dinner muna kami at nag-celebrate kasi birthday ng isa naming kasama, si Irman.

After magpalipas ng isang gabi sa Kalibo, kinaumagahan, inantay namin ang vengavan na maghahatid sa amin papunta sa port ng Caticlan. Ang pamasahe namin ay 275 (ata, medyo na memgap) kasama na dito ang boat fee pero di pasok ang environmental fee chuchu at terminal fee eklachus.

Actually, wrong Van ang nasakyan namin kaya may VanShot

Medyo mabilis ang vengavan namin dahil wala pang 2 hours ay nakarating na kami sa port. Tapos medyo pumila balde lang kami saglit sa pagsakay sa bangka. Wala pa atang 30mins. ay andun na kami. Finally nakalapag na ang paa ko sa buhangin ng Boracay.

 VengaBoat na naka-park sa Boracay


Isang traysikol ride lang ang ginawa namin papunta sa accomodation namin (kakaiba ang traysikol sa Kalibs kaya kasya madamihan). Medyo tanghali na ng slights kaya naman after namin makapag-ayos ng gamit at bed allocation, walkathon na ng mga 2 to 3 mins. to the beach of boracay. Eto ang first time ko na masisilayan kung ano ang bukambibig ng mga tao kapag summer season. hahaha.

 Sa waiting area ng St. Vincents Timmy & Dee side

 Si Mei at ang swan towel folding

 Lakad papuntang beach

 Hala, kanya-kanyang pa-first pic sa bora

Syemps, selfie din kahit walang shades


Dahil kumakalam na much ang tyan, go na lungs kami sa fastfood, Mcdo for lunch. Walang basagan ng food trip, bakit ba? lols.

Since tirik na tirik na parang titi ang haring araw, medyo nagtambay kami ng slight then palit na kami ng damit dahil magbebeach bumming mode na kami. Nilagyan ko ng protecsyon ang digicam kong si Forn para makakuha naman ng shot kahit nasa tubigans.







GoThrow pic

Sa hapons, check ng sunset naman ang peg. and sa pagsapit ng gabi, dinner somewhere. (nope, walang shot/pics ng mga foodie ganyans)








 Grabbed pic from fb ng kasama


At dyan nagtatapos ang pinaka unang araw ng Boracay moment ko.

Hanggang dito muna, at medyo may queue na at mag-uuwian na dins kami.

Take Care folks!

note (di ko na inedit yung pics dahil tamad akong maglagay ng watermark ekeks)

How to Train Your Dragon 2

$
0
0
Happy Araw ng kalayaans! Well, alam ko na medyo flooded ang timeline ng FB or ng chwirrer about sa Independence day ng pinas. kahit sa radyo at tv ay yun din ang topic so dapat iba ang topic na ating tatalakayin. Change me. lols.

For today, review-reviewhan tayo ng pelikula na kasisimula lang kahapon na ipalabas sa sinehans, ito ay ang ikalawang peliks ng How to Train Your Dragon.... So heto ang How to Train Your Dragon 2!





Wait-a-minute-Kapeng-Mainit! Alam ko naman na may mga allergic sa spoilers so bago ako magpatuloy sa review-reviewhan ay bibigyan ko keyo ng chance na isara ang blog or magpatuloys.










Ready?














Sure?








Okay na?




Let's Go!


Magsisimula ang wento sa narrative ng pinagbago ng isang place na dati ay violent against dragons. May harmony na between humans and dragons sa bayans. At ipapakita ang mga grown ups na kiddos from movie 1 riding sa kani-kanilang dragons at naglalaro ng game na Quidditch! 





Then ipapakita na ang main bida ng peliks, si Hiccup kasama ang kanyang bfd (bestfriend dragon) na si toothless. Naglalakbay sila at nagchachart ng map.


Dito ay darating ang jowawits ni Hiccup at magwewentuhan sila sa kanilang possible sexcapades! Joke! Mag-uusap sila about sa prinoprobleyma ni Hiccup na gusto siyang gawing Chief ng village nila.

Then, they make lakbay pa to check places ng may matagpuan silang place na inatake ng tila icy attacks. Doon ay nalaman nila ang tungkol sa mga dragon poachers/hunters, Dragon rider at sa isang kilabot na dragon hunter named Drago.

Iwinento ng magjowa ang kaganapan sa kanilang place at nagsuplong ito sa kanyang pudrakels na magcecelebrate ng Father's day sa darating na sunday. Inutusan ang village na magsara ng mga kabahayan at wag palabasin ang mga dragons at baka mahuli ng mga hunters ganyans.



Dahil pasaway much tong si Hiccup, gusto niya ng world peace, go for the gold ang drama niya at gusto niyang mahikayat si Drago ng kapayapaan ganyan. Kumbaga sa Naruto world, gagamit siya ng Jesus-no-jutsu or pure talkish ganyan.

Sa pagsasariling sikap ni Hiccup, nacapture siya ng isang kakaibang grupo ng mga dragon at dragon rider and doon niya natuklasan ang something in the past.... Nakita niya ang kanyang mudrakels na nagcelebrate ng mother's day last month.


And they lived happily ever after..... Not!

Syempre kailangang may ganap! Kailangan may fight scenes! Kailangan may touching scenes! At kailangan may ending ganyan!



Well, i'm so sorry, di ko sasabihin na nagkaroon ng laban between Drago at ang grupo nila Hiccups pati nadin ng mudrax niya. Di ko babanggitin na nagkaroon ng clash between 2 giant dragon named Bewilderbeast na considered king of Dragons. Dehins ko papaalam na natalo yung good white dragon sa black dragon ni Drago pero may mga sumunod na ganap.

Score ng pelikula: 9.3!

Fine! Fine, gusto nio pa niroround-off, 9 ang score!

Ekthelent! Mahuthay! Athtig! Thuperb! (yan ang sabi ni Chowco Martin sa movey! lols)

Heto ang reasons for giving 9.

-Good point yung maturity ng mga characters! from young padawans to teens/puberty stage.
-May mga funny moments like nung inlababo isang gurl sa kalaban na maskulado.
-Maganda at di masyadong nakakalito ang flow ng story.
-May puso, or the drama part. Yung reunion ng mag-ina, at ang sad moment.
-Ang cutie ng baby dragons! maygali!
-hindi usual 2nd movie na magkakaroon ng female counterpart ng bida (imagine Ice Age 2)
-walang masyadong explanation or display ng new dragons.

Overall, recommended ang film dahil maganda at masaya! 

Puno nga ang sinehan kagabi sa Robinson's Galleria e.

Must-watch film!

O sya, hanggang dito na lang muna!

Take Care folks!

Everything I Need To Know MOVING ON I Learned From Papa Jack

$
0
0

Tapos na tayong mag movie review kaya jump naman tayo sa another review-reviewhan... This time, libro naman ang aking bibigyan ng review. Ito ay ang bagong aklat ni Papa Jack na may mahabang pamagat na 'Everything I Need To Know MOVING ON I Learned From Papa Jack'.

Familiar ba ang title? Kasi halos same ang name ng unang book ni Papa Jack. Ang unang book ay about Love. Ayaw mo maniwala? Pindot here. 

So this book is about MOVING ON! Oo, yung katagang laging dine-deny at hirap ang ilang tao na gawin. hahaha.

Ang libro ay naglalaman ng samut-saring quotes para sa pag-move on. Halimbawa na lang ng nasa larawan sa ibaba.


Meron ding illustrations tulad  ng nasa ibaba.


Indicated din sa book ang 12 shenanigans sa Moving On.

1. Goodbye!
2. It Hurts!
3. I Hate You!
4. It's My Fault!
5. I'm So Kawawa
6. I Miss You!
7. Is It Over?
8. You Are That Easy to Forget!
9.I'm Bitter Without You!
10. It's Over!
11. It's Over Na Talaga!
12.Starting Over Again!

Bibigyan ko ng 9.1 ang libro. Mas maganda na ang arrangements ng mga illustrations at transitions ng mga bagay-bagay na laman ng book.

However, for me, parang MAS madami kasing laman yung naunang libro kasi MAS broad yung topic. Saka siguro dahil di pa ako nakakaranas ng break up, ay walang epek much sa akin ang laman ng libro. hahaha

All in all, may latoy at keri naman ang halagang P143 petot for the book.

O sia, hanggang dito na lungs muna, Take Care folks!

Boom Boracay Day 234

$
0
0
 Hello Khantoters and hello world! Nyahahah, sagwa ng term pala pag merong fans club ang Kwatro Khanto. 

Bago ako umalis for another gala-gala, kailangan ko na tapusin ang wento ng boracay adventure ko last month. Oo, mahirap na matambakans ng backlogs eh. baka makalimutan at maitago sa baul at amagin ganyans.

So heto na ang pagpapatuloy ng wento.

Day 2:

Sa morning, almuchow lang sa nearest kainan ang peg. Silog-silog lang pang laman tyans. 

Tapos nun, try na kami mag-island hopping for the day.

Sa boracay, madaming mga manongs ang nag-ooffer ng actibidades achuchuchu while walking. Alam mo yung eksenang parang laging may nagbebenta ng cellphone sa quiapo ganyans. hahaha. 

Mukang oks naman yung price range na offer nung isang manong na nakausap namin kaso wala daw bangkang avail so ginawa namin ay chineck muna namin yung isang place doon sa boracay kung saan may nagka-kite surfing.




Oks sana ang kite surfing shenanigans kaso hindi pala basta-basta ang pag try nito tulad ng normal surfing. Kailangan mo ng 3 sessions for this, academic or classroom based fundamentals, tapos modules sa pag manipulate ng hawak ng kite ekek tapos yung actual na. Di lungs yun, damaging sa bulsa ang lesson dahil lagpas 15k aabutin daws. Emergerds!

So slash that sa gagawin. Nag shake-shake-shake na lungs muna kami tapos nag island hopping na! (walang lunch-lunch!)

Since mamahalins ang isang famed spot sa Boracay called Ariels point chuchu, napag-isipan na lang namin na icustom ang island hopping to do the Magic island kung saan may cliff jump activity. So nag bangkang papel este Vengaboat kami.

Remember the wento nung Siargao adventure? Masaya na ang mga kasama ko kasi may lifevest na sa boat. nyahahaha.



So landing sa Magic Island after mga 20 minutes boat ride.







So anong ganap dito? Syempre, kailangan may guts ka para mag jump at bumagsak sa tubigs. May 4 levels ang pagtalon, from mababa to mataas. Sayungs at di ko mapost yung talon vid ko na ang talsik ng tubig ay umabot pa sa plank. lols










Nag-enjoys much ang mga kasamahans ko kaya ang 2/3 ng time namin ay andito lungs sa magic island. hactually, first hour ay yung mga kaba sessions ng ilan na tumalon sa mga succeeding heights.

For the remaining oras, snorkeling na lungs ginawa namin sa may Crocodile Island na walang crocs. hahaha. At nag-selfie. lols






Mga 3pm na ng makabaliks kami at since di naglunch, mga gutom much. Kanya-kanyang kain muna at pahinga ang ginawa dahil napagods sa pagtalons at snorkels.

Kinagabihan, tamang inom ang ginawa at nanoods ng mga firedancers at nag check ng mga night lifers. (sorry, no pics kapag gabi dahil ang gigicam ko na si forn ay medyo sablayers ng night mode).

Day 3

Same morning ritual, almuchow sa isang malapit na eatery at prepare for next task (task? pbb?)

For day 3, magwawater activity naman kami. Since karamihan ay nakapag Banana boat na, di na namin ito susubukans. So ang napagdesisyunan, mag Flying Fish.

Nag speed boat kami from Station 3 to the destination. pagdating doon, kailangan wala kang anik-anik much sa katawan dahil expect mong titilapon ka. 



Walang pic during the activity dahil lahat ay sumakays. At sa ilang minutong nakakapit ka for your life, anhirap ng Flying Fish! kasumpa-sumpang activity. Ako ang weakest link, tapon here, tapon there, tapon everywhere! Muntikan na malaglag in the middle of nowhere ang aking aqua shoesies! Tapos muntikan akong mahubuan sa pagkaladkads sa tubigan. Never-ever kong uulitin to! hahaha

After ng Flying fish, shake-shake-shake na namans for lunch time (kami na ang parang di nakakaramdams ng gutoms sa katanghaliang tapats).

Lakad-lakad muna sa dalampasigans dahil low tide. Medyo malumots nga lungs sa bay dahil lowtide.





Then picture picture sa bandang Grotto ng Station 1.







Next stop naman namin ay ang Puka Beach for chill-chill beach bummin thing!









Sa pagsunset, baliks kami ng station 1 to check the paglubogs ng araw. Nag paddle chuva naman yung ilan sa kasama ko. Kumuha na din ako ng shots nila. Tapos tumingin ng gumagawa ng sand art. Sayang nga lungs at di kami nakahanap ng boracay sand art kung saan pede magpapicture.







For Day 4, Free time na to for us. Almusals sa umaga, tapos derecho na sa palengks to buy souvenir items sa mga opismates and friends. Time to check shirts and keychains and ballpens and stuff. Swim-swim din after at noong hapon, byahe na kami pabalik ng kalibo dahil kinabukasan, balik na sa Manila.

At ditow nagtatapos ang Boracayventure ko.

Masaya at swabeng pahinga.

Babalikan ko to if ever na may chance para ma try yung Parasailing ganyans. hahaha.

O sya hanggang dito na lungs muna! Bukas, lilipad naman me sa kung saang destinasyons. 

See yah and Take Care folks!

Iligan-CDO Adventure

$
0
0
Hey there! Namiss ko kayo! Namiss ko ang pagwewento ng anik-anik kaya naman heto ako at nagbabalik sa aking bloghouse upang magsulat ng kaganapan sa buhay-buhay.

Last week, ako kasama ng ilan sa opismates ay lumipad patungong Mindanao region dahil kami ay naimbitahans na umattend ng kasal ng kaibigan at dating katrabaho.

June 19, mula sa Naia Termi3 ay nagflyflyfly to the southern part ng bansa at lumanding sa Laguindingan Airport sa CDO (not karne norte).

Pagdating, doon ay nagsabay-sabay kaming mga friends ng bride at friends ng groom (yung opismate namin) sa byahe.

Bago kami pumunta sa bayan ng kasalans, medyo nagkaroon kami ng mini tour at kami ay dinala sa isang place named Divine Mercy Shrine.

Dito matatagpuan ang malaking image ni Jesus.







After that, since medyo tirik na ang araw, byahe na kami papuntang Iligan. Mga 2 hours na byahe din yun. Pagdating ay nag-stay kami sa Pension house na arranged ng friend namin. Doon kami nagstay.

Noong hapon, nagpasyal lang sa Gaisano mall ng iligan para bumili ng makukutkot na chichirya and stuff. For dinner, may katabing ihawan yung pension house at doon na kami chumicha. 

Kwentuhan at catch up mode ang ginawa naming magkakaibigan sa gabi. 

Kinabukasan...

June 20, araw ng kasal.

Busy ang ilan dahil nga sa hapon na ang kasal. Kami naman ay late nagising, pumetiks-petiks at naghanda ng hindi much haggardo versoza.

Pagdating ng mga 2, nasa simbahan na kami nag nag-aabangers na magsimula ang seremonyas. Pero syemps, kailangan may picture with our friend. Then ang matrimony.











After ng kasals, syempre chibugans. Hahaha. Dahil pagabi na yung kainans, di na ako nagkaroon ng time na magpicture picture, medyo sablay ang gigicam ko kapag gabi. di kagandahan ang shots. 


After ng wedding, bonding time with the groom dahil inuman mode muna. Hahaha, don't worry, tamang inuman lang at walang basagan. Di naman kami alcoholics :D Pero mga 3am na kami natapos at nakabaliks ng pension house. hahaha.

June 21,

Umuwi na pa-manila yung isa naming ka-opisina. Ang ginawa namin ay nakisama sa tour na inorganize para sa family and friends ng bagong kasal. Ang nangyare, nag-falls hopping kami.

Unang stop ay ang Maria Christina Falls. 






Then after that, punta naman kami sa Tinago Falls. 






Pede kang magbayads ng 10 petot para mag small raft papunta sa ilalim ng falls. Tapos kung di ka swimmer, pede ka rent ng lifevest para sure na lulutang ka na buhays. lols. 

May mga batang jumpers sa Tinago Falls, meaning, sila yung mga batang aakyat ng pader tapos tatalon at magdidive sa tubig ng falls. Mga umeextreme adrenalin rushers. hahaha

Btw, kung mahina ang lungs ay di much recommended ang Tinago Falls, dahil kapag paalis ka na, aakyat ka ng hagdans na mga 400+ steps. Bawal sa weak heart. hahah.

Last falls ay ang Mimbalot falls. 




After nito, ininvite kami ng family ng bride sa kanilang mala-reunion sa isang cold spring pool. Chibugan time.


Noong gabi, kumain naman sa Gerrys Grill at nag-catch up uli at wentohans.


June 22,

Umuwi na din yung isa pa naming friend pabaliks ng manila. Kaming natira ay nagbalak na mag Camiguin. Kaso sa katamarans, ayun, di na nag-push. Factor din kasi ang time at travel time. So byaheng benggaBus na lungs papuntang CDO.

Pagdating doon, check-in sa isang pension house para doon mag stay ng 1 night. After mag-settle, tumambay na lungs sa mall at kumain at kumain. Noong gabi, pinuntahan namin ang Divisoria ng CDO kaso wala na palang night market. Namili na lungs kami ng pasalubong na pastel at kumain muli.







June 23, 

Free time, kanya-kanyang trip na lang muna at nag check-out ng 1pm. Nag bengaBus papuntang airport at time to head home na.






At dyan na nagtatapos ang kaganapan last week.

Medyo bitin kasi konting gala lungs pero sapat naman sa tulog at kain at pahinga. Atsaka, ang main purpose naman ay ang kasal ng aming kaibigan.

Happy kami kasi inasikaso kami much habang kami ay andun, di naman kami pinabayaans.

Magbabalak makabalik at susubukang gawin ang Camiguin-Bukidnon-CDO-Iligan travel combo.

O sya, hanggang dito na lungs muna. Take Care folks! 


Transformers: Age of Extinction

$
0
0

Hello hello hello at isa pang hello! Kamusta kamusta kamusta at isa pang kamusta? Friday na today at may kutob ako na karamihan sa inyo ay magpapahinga na from work dahil restday na ng ilan.

At pag restday, madalas, papasyal sa mall at kakain or manonoods ng international moveeeeey! (pahiram erich ng line!) At dahil dyan, may chance na baka ang panoorin ninyo ay ang ika-apat na peliks ng mga alien na nagkakatawang sasakyan, ang Transformers. 

For today, sa Kwatro Khanto, ang article/post ay tungkol sa pelikulang Transformers: Age of Extinction. Yep, Napanoods ko na last wednesday kaya naman may review-reviewhan for the day.

But wait! Sa mga ayaw makabasa ng detalye ng peliks/story, close the browser na or skip read na. 












Ready? Oks, Decepticon, roll out!


Magsisimula ang palabas sa kung saang lupalop na may mga dinosaur na sinalakay ng some alien spaceship na nagblast ng anik-anik at naging metallic thingy ang place.

Tapos walang kinalaman much ang unang eksena sa susunod. Ipapakita naman na may grupo ng humans na naghuhunt ng mga Autobots. Papakita yung pagtugis sa kaawa-awang mga sasakyan na nagtratransform. Kahit nagmamakaawa ay heartless na hinuhuli sila. 

Pero ang catch, yung mga humans ay may help sa isang tila Transformers/Alien na hindi naman Autobots at di rin Decepticons. Isang character na medyo pampagulo lungs na slight kasi di mo alam kung anong goal nia at pinaglalaban sa life ganyan.

Change eksena na! Papakita naman sa somewhere kung saan andoon yung bestfriend ng Talking Teddy Bear na si Ted (yung bidang lalaki sa movie na Ted). Kasama niya ang unknown actor na tila nagsasalvage ng mga gamit to make recycle stuff. Doon ay mabibili nila ang karag-karag na truck na dapat ay magegets ninyo na si Optimus Prime in disguise.


Sa medyo drag na part, papakita na medyo hikahos yung lalaki tas kasama pa niya ang dalagang anakish niya sa life. Tapos mga yada-yada eksena ay malalaman nila na Autobots yung Truck! Surprisa! Si Optimus! Naghihikahos. Mabait yung human kaya inattempt na tulungan si Prime.


Pero nagchuchu at sumbong-sumbong kay bonggang-bonggang-bong-bong yung iang guy kaya yung mga robot hunters ay nagpunta sa farm nila. Nagkaroon ng habulan at car chase scenes. Tapos Ang tumulong sa mag-ama ay isang driver na jowawits ni girlay... si Starlord ng upcoming movie na Guardians of the Galaxy. 


Bigla namang lumakas ang weak na si Optimus noong makapag-scan siya ng dumaang truck. Ewan. Naging colorful na sya.

Tapos maglalabasan na ang mga natitirang Autobots na nagtatago. Syemps, andyan si Bembol Rocco este Bumblebee. tapos may Samurai-ish na nagiging helicopter at car na blue, bearded thingy na parang truck at isa pang car na green.


Kailangan nilang tuklasin kung sino yung mga hinayupak na tumutugis sa mga robofriends. Napag-alaman nila na isang company ang may fault. Ito ay pinamumunuan ng nagpakalbong emcee ng Hunger Games.


Sa company na iyon ay ginawa ang mga pinageksperementohang mga metal particles ng autobots at nakagawa sila ng human-made robots na nakakabwisit magtransform, parang molecules/atoms na ewan.

Tapos may labanan achuchuchu sa reincarnation ni Megatron at ang wanna-be na car na counterpart ni bee. clash-clash, car chase. hanggang sa mahuli at madakip si Optimus.

Then doon ko pa lungs na gets kung ano ang purpose nung parang transformers na tumutulong sa paghunt sa mga autobots. Isa pala itong collector na naghuhunt ng alien species (based sa observation ng mga anik-anik na nasa spaceship).

At sa kung anong kapekpekan na naganap, na kesho yung item na nakuha ng bad guys ay parang nuclear ekek na gagawing silvery metally ang earth na magcacause ng extinction (at doon pala connected ang title). Now kailangan hindi mapasakamay ng MAS bad guys. (talk about sudden change of heart chuchu).

tapos tatakbo pa ang wento sa mga sagupaan, sa barilan, car chase, fight scenes and stuff na mahirap itahi sa kaganapan sa mga naunang statements at story sa itaas. Yung masasabi mong BASTA, ganun ang sabi ni direk at ng storywriter e.

At magkakaroon ng pagliligtas sa planet earth again at ililigtas sila ng remaining autobots. At doon naman biglang lalabas ang mga Dinobots na di ko matandaan kung paano na meet ni Optimus yun (kung may kinalaman ba sa kweba sa china or nasa spaceship).



At sa bandang huli, everything is A-okay na ewan ko... parang ending na hindi ending. Nyahaha. Sabi may after credits scene pa pero well, keri lungs kung di ko napanood.

Score sa mahabang pelikula?

8! Otso lamang! Well, mas okay na ito kesa sa binigay ng pinoyexchange forums na 2/10! hahahaha.

DI na bago yung fight and explosibong-eksplosibong-expose saka car chase. Pero medyo pucho-puchoish ang peg ng film. May mga boring scenes saka too much hunts pork and beans na habulang gahasa ekek. Walang uber audience impact na talagang mapapa-Amazing or Wow while watching. 

Sapat lungs at okay lungs ang sagot kapag nitanong kung maganda ba ang wento. Yung sasabihing 'KERI LUNGS!'.

Mas okay yung How I Met este How to Train your Dragon2. hahaha. Pede na sa DVD or torrents after ilang months.

O sya, hanggang dito na lang muna! 

Take Care!

July Random Update

$
0
0

Hello! Hey Hey Hey! Pumasok na ang buwan ng July at madami na ang nagsabi ng 'July, be good to me'. Kaya naman sa pagpasok ng bagong buwan, bagong random-anik-anik-shenanigans ang pasok sa blog post na ito.

1. Sa opis, last week, nagcelebrate yung group ng department namin for reaching 5 years.

2. At dahil sa celebration, napa-flashback thursday kami at napahalungkat much ako ng old pics ko way back lalo na noong nag-uumpisa pa lungs ako.

3. Tagal ko na sa department namin, at dahil dyan, biglang inawardan me ng Loyalty Award chever. Ewan ko kung matutuwa ako or hindi. Parang sampal kasi na hontogol ko na at inugat na sa dept. tapos di ako nagmomove ng career.

4. a wakas, by next week, magbabago na ang work sched ko! Goodbye sa 8am shift na super hassle sa pagcommute at byahe papunta pabalik. Magiging 2pm na ako! Iwas sa uber problemang pagsakay.

5. I'm gaining weight... again. Fuck! I heyret! Kasalanan to ng pagbalik ko sa family. Hahaha, may nakakain na kasi ako.

6. Crush or illusion... di ko alam. hahaha. Tanginang utak at puso, nakakabwisit, di ko alam ang nararamdaman at naiisip ko.

7. Gusto kong maglakwatsa sa upcoming 3 days na restday ko kaso ang kailangan magtipid muna at medyo magastos kung solo travel ako, pero minsan lang din kasi dumaan ang chance na 3 days ang RD.

8. Last restday, nagmarathon ako ng Amazing Race season 24. Medyo nacornihan ako ng slight kasi 3 teams doon ay 3x na sumali. All-though it's All-Stars season, sana nagregular season pa sila to find new breed of racers.

9. Natetenpt akong bumuli ng gadget, either yung DSLR na binebenta ni sir moks or goPro or underwaterDigicam. Pero ang pera ang problema, hahaha, ang hirap magbitaw ng hard earned money.

10. May bago daw na book si Bob Ong. Pero di pa alam kung kelan ilalabas.

11. Mahirap ang medyo loner. Parang madami kang friends pero walang super close na mapagsabihan ng lahat-lahats. Emo?

12. Kung malago lang ang hair ko, gusto kong magpakulay ng green hair. 

13. May Travel Fair sa Moa this weekend, kaso may pasok mey ng sabado.

14. May lung cancer daw si Miriam Santiago.

15. Tinatamad na much na akong magsulat, sana sipagin much.

Hanggang dito na lang muna, Take Care folks.

Viajeng Vigan

$
0
0
Hey! Kamusta na mga friendships? Heto ako at nagbabalik sa bloghouse upang magpost ng anik-anik thing na kaganapan.

And for today, wento ko sa inyo ang naganap last weekend at weekstart lols.

Nag-change sched na kasi sa opisina. Wala na ako sa nakakaburyong 8am-5pm regular workhours ng buong bansa. Hooray! Magiging 2pm-11pm na me. At dahil doon, nag-change din ang restday ko. And so, nagkaroon ng transition ng schedule. And luckily, 3 days ang off ko.

Noong nareceive ko ang good news, medyo napag-isip isip ako. Tatambay nanaman lang ba ako sa bahay at magpapakabulok sa loob ng room dvd marathoning or playing fb games or gagamitin ang 3-days na maglakwatsa at magtanggal ng item sa travel bucket list.

Tatlong gabi ko din pinag-isipan ang lahat lahat. Gastos or gastos din naman ang labanan kung maiiwan ako sa bahay or magmamalling and everything. So Bahala na si Batman at nag-empake ako ng damit ko ng Friday night.

During shift, di ako mapakaling-ewan kung go-go-go-go-power rangers or baback-out. 

Go na! Sayang at bihira lang ang chance na magkaroon ng 3 days na pahinga na di na kailangan mag leave kung gagala. 

So, i made halungkat my email kasi nagbacktrack ako ng email sa akin ng blogger friends na sina Tabian at Madz dahil napagtanungan ko sila ng itenerary for my trip. Ilocos!!! :D

Mga lagpas 1 year ko na balak magpunta sa Ilocos region pero di tumutugma ang time and space ganyan. 2x na bumiyahe ang mga friends at kakilala sa Ilocos pero dehins me nakasama dahil sa mga rasons. Ako na lang ang di pa nakakaapak ata doon so kailangangang push na ito!

Nagprint lang ako ng Itenerary ng 3D2N ng mula sa isang tour group na nakita ko sa FB (actually, dito dapat ako sasali sa open tour nila kaso di pasok sa time ko ang mga dates na sineset nila). Tapos save ng phone number ni Kuya Arnel (kilalang tryk tour driver sa pagudpod tour, recommended by Chyng and Tabian) tapos sinulat ko yung name ng lodgings na mura.

Pagkatapos noon, right after ng pasok ko, diretso na ako papuntang Bus Station sa cubao at nagcheck ng byaheng Vigan. Sayang kasi walang Florida Bus kasi trip ko sana yung Sleeper Bus nila. So no choice ako at nag-Partas Bus ako. 



Ang bayad ay 805 petot for Deluxe bus or yung pede magrecline ng wagas with matching dantayan ng paa. Mas trip ko to kasi di masyadong stiff sa pagkakaupo plus, di jampakan ang possible passengers na pwedeng sumakay. 

Travel time ay 7pm to 3am. Mga 8 hours. Tiis gutom at di na ako bumili ng food while nasa byahe at binorlogs ko na lungs itow.

Pagdating ng Vigan ng madaling araw at kutob kong wala pang ganap at sarado ang mga mapupuntahan, nagpahatid ako sa tryk driver sa isang lodging house. Kumuha ako ng solo fan room at nagpahinga muna mula sa mahabs na byahe.

Mga 8:30am na ata ako nagising at nagdecide na maligo at umpisahan na ang tour sa Vigans.

Lakad-lakad somewhere down the roard ng makaranas ng gutom kaya naman nag-almuchow brunch muna me sa chowking tas gora na again.

Dahil medyo tirik na ang araw ay medyo hotness na ang place kaya naman medyo mahirap maglakad-lakad. May lumapit na traysidriver at nag-offer (nope, not the thing na iniisip ng green mindeds). Tour daw sa halagang 300 petot. Pinatos ko na kasi nabasa ko sa inemail sa akin na ganun din ginastos ni Madz.

Ano ang mga napasyalans ko? Heto ang ilan sa larawans at places. Pasensya na kung kasama ako sa pics hahaha. :p

Vigan Cathedral

Kapitolyo

Under Renovation na Dancing Fountain

Crisologo Museum

Inside the Museum

Baluarte


The Yellow Submarine ni Chavit

 PhotoOps with Bearcat, Snake at Birds

 Hidden Garden




 Burnayan (Pottery)


Elpidio Quirino's House


 Spolarium 

 Bantay Church



Bell Tower

 Calle Crisologo


May natripan akong white shirt from Island Souvenir kaso shutengine, pang palito ang sizes. Largest shirt ay Large tapos slim fit pa. Kaasars! haha.

After that, nagbayad na ako doon sa tinuluyan ko at diretso na me sa bus station papuntang Laoag tapos connect to Pagudpod.

Since di pa masyadong tomjones, nag chichacorn na lungs ako at coke for merienda.


2 hours ang byahe from Vigan to Laoag tapos another 2 hours from Laoag to Pagudpods. Medyo nakakapagod pero sakto naman ang fresh air ng probinsya.

Pagdating sa Pagudpod, sinundo ako ni Kuya Arnel at hinatid sa Homestay ni Kuya Ruben named Hanna Lou's Homestay. 

Anong dinner ko? 1/3 nung cassava cake saka softdrink. Nyahahaha. Diet?! lols


Ang masasabi ko sa aking byaheng Vigans? Okay! Medyo bitin kasi slightly namadali yung tour ni koyang tryk driver ng vigan. Di masyadong nakakuha ng animal pics sa Baluarte pero overall okay naman. Atleast may pic ako sa mga place at hindi mukang wawa doing selfie much (na mangyayari sa Laoag trip).

O sya, hanggang dito na lungs muna. Alam kong masyado na mahaba ang post na ito. Heheheeh. 

Take Care!

Pasyal sa Pagudpod

$
0
0
Yo! Wazzap wazzap folks! Its sunday at may pasok ako pero keri lungs kasi konti calls dahil nasa mid shift ako. Sapat para makapag-blog at magwento ng ganap.

So tuloy ko na ang kwento ng akong solo travel somewhere down the road.... :D

Bago ako bumorlogs ng sunday night, napag-usapan na ang possible gagawin for Monday plan. Susunduin ako ng 7am para magawa ko ng 1 whole day ang North and South Pagudpod Tour para pagdating ng bandang hapon, fly na ako back to Laoag.

After ng oks na pahinga sa homestay, gumising ng umaga para puntahan ang Saud Beach. Mga tatlong tambling lang at nasa beach na ako, so technically mga 100 meters lungs.

Maaga akong nag-beach bum at naligo sa dagat. Yung eksenang presko at malamig ang tubig na dadampi sa iyong body. Tanaw sa Saud Beach ang figure ng mga windmills.






After ng morning ligo, back to base na para makapag-almuchow sa malapit na karinderia pero na-shock me na pinagluto ako ng almusal doon sa homestay na tinulugan ko for a night. (emergerd, i was so shocked!) Nakakahiya kasi mura lungs yung inistayan ko tas may free foodie. 

Dehins na ako tumanggi sa grasya kaya naman kinain ko ng walang pag-aalinlangan ang hotkalog (hotdog, kanin at itlog). 

Then dumating na ang sundo kow. 

Umpisa na ng Northern Pagudpod trip!

1. Trek to Kaibigan Falls


 si ate Tour guide





2. Patapat Bridge






3. Paraiso ni Anton (nope, hindi ni PusangKalye hehehe)



4. Timangtang Rock



5. Bantay Abot Cave






6. Blue Lagoon (na medyo sinakop ata ng Hannah Resort? lol)






After nito, balik kami doon sa homestay at nag-check-out na ako at nagbayad ng accomodation. Dinala ko na yung bagage counter (baggage counter talaga? oo, walang pakealaman ng term) at go na sa next part.

Go with Southern Pagudpod Trip.

1. Pagudpod Giant Clam Monument Landmark




2. Pagudpod Arch




3. Bangui Windmills






Wooops, bago magpatuloy sa next desti, kailangan na magpaalam sa tryk driver kasi change ride na. May agreement kasi sa mga tricycle driver tours na ang 2 other attractions ay sakop ng ibang place so dapat giveway na sa mga tricycle drivers ng next na bayan.

For the next 2 desti, nagtransfer ako ng ride and it's a different rate for the tour. 300 petot for the 2 places. Go na ako kesa di ko pa mapuntahan to. (yung 300 ay good for 3-4 folks). Medyo downside, yung tricycle driver na dapat ay guide din, olats, di ako sinamahan much siguro dahil katanghalian. Ayun, medyo sariling sikap or selfie ang ilang pics.

4.  Cape Bojeador 






5. Kapurpurawan Rock Formation







Pagsapit ng hapon, byahe na ako pabalik ng Laoag at doon na ako naghanap ng matutuluyans.

For the tricycle tour, nagpapasalamat ako kay Kuya Arnel dahil masipag syang magreply sa text ko (yeah, pulubs much, wala akong pantawag hahaha). 

Kuya Arnel: 09265880666 

Para sa matutuluyan, kung nais ng homestay, pede sa Hanna Lou's.

Kuya Ruben: 09198627731\09212557237

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

ehehagk

Lakwatsa sa Laoag

$
0
0
Kamusta na kayo after ng bagyong Glenda? I hope wala namang major-major damage sa inyong kabahayans at nawa ay nasa mabuti kayong kalagayans.

For today, ipagpatuloy ko na ang wento ng aking solo travel at ito na ang last part. hehehehe.

After ng Pagudpod, bus trip na ako sa Laoag. Tas nag check in sa isang murang accomodation at naglakad-lakad sa malapit na vicinity. 

 Laoag Bell Tower


 Justice Bldg.

Kapitolyo ng Ilocos Norte

Namili lang ako ng makakain at maiinom at nag wifi na lang ako sa loob ng aking silid.

Kinabukasan, nag-almuchow lang ako sa Mcdo na 24-hours at nag-happy meal. Then after, sinundo ako ng tricycle na kinontrata ng guard ng hotel na tinuluyan ko at nagsimula na ako sa aking Laoag tour.

First stop ay ang Paoay Sand Dunes. Dito ang place na pede kang mag Sand Boarding or mag 4x4 ekek ride. Trivia lungs, dito ginanap ang pelikula ni Ate Nora na Himala.




Then next ay ang Paoay Bell Tower at ang Paoay Church. Famous church na pinagpipicturans ng mga pumupuntang norte.




Then nagpunta naman kami sa Marcos Museum at Mausoleum. Unfortunately, sarads ang museum dahil linis time daw. Tapos kenatbi-tutubing picturan ang dead body ni Marcos na nasa clear case freezer. Medyo creeptic lang ang feel sa pagpasok sa loobs.



Pagkatapos makita ng pes to pes ang frozen body ni Marcos, nagpunta na kami sa Malacanang of the North.


 Ang kama kung saan shumembot ang mag-asawang Marcos

 Library/ Indoor Office

 Room ni BongBong

 Dining room


Sa itaas, makikita ang veranda at ang bintana na tanaw ang magandang Paoay Lake. 





Nagutom me kaya nag-Empanada

Last stop ng tour ay ang Fort Ilocandia. May hotel dito pero nahiya me magtanong kung pede pumasok kaya naman nag pic lang ako ng anik-anik sa labas. hahahah.




Back to Laoag na after pero nagcheck ako ng museum. Sa loob makikita ang mga common thingies sa old ilocos like mga kasuotan nila noon, mga gamit sa mga bahay at iba pa.




After nito, nag-lunch ako at kinuha na yung aking gamit at nagpunta na sa Bus station. Sayungs at gabi lang ang trip ng Deluxe bus kaya normal bus lang nasakyan ko.

Medyo masakit sa butt at matagal ang byahe dahil 12 hours inabot ng pauwi ko dahil sa dami ng mini stop over ng bus sa lahat ng bus stations. Juskopong pineapple!

At dito na nagtatapos ang aking paggala sa norte. No shout out sa tricycle driver ng aking Laoag trip dahil di sya accomodating much. Sariling sikap much ang pictures ko hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

DOTPOTA Review: Dawn of the Planet of the Apes

$
0
0
Hello hello hello! Dahil sa new schedule ko, di na ako nagkaroong ng time to watch a new film right after shift. Kailangan sa restday ko pa to panoorin kaya naman malamang sa alamang ay madami na ang nakanoods bago ko mapanoods to.

Pero huli man daw, mas maigi pa din na nakapanood at syemps yun naman ang aking bibigyan ng review-reviewhan for the day. 

Ito ay ang ikalawang peliks na tungkol sa unggoy na si Ceasar (nope, hindi po Augustus ang kanyang first name at hindi naman Salad ang kanyang lastname).

Di mo pa din gets kung anong film? Basahin mo yung title ng post... Ayan, Dawn of the Planet of the Apes.... inshort, DOTPOTA. Yan ang film na ating rereviewhin.

Pero bago yan..... let me take a selfie.... joke! Bibigyan ko kayo ng chance na magdecide kung magbabasa ba or skip read. Syempre, baka di nio pa napapanoods at sisihin nio ako kasi spoiler.

So decide na friend!











Desidido Macapagal ka na ba? Oks, let's Go Macapagal-Arroyo na!



Nagsimula ang wento about sa pinakitang mapa ng buong mundo kung saan may lumaganap na sakit na kumalat from one place to another. Nope, this is not a zombiepocalypse thingy. Basta may sakit na pumapatay ng humans. Yung tila sumimot sa lahi ng mga taong may pechay at talongs.

Skip.... Papakita na ang tribo ng mga monkey-monkey-hinog-ka-ba-oo-oo-hinog-na-ako monkey-monkey-annabelle-how-many-monkey-did-you-see?. Naghuhunt sila ng foods. 

Tapos lalabas si Ceasar (hindi po Montano ang apelyido at hindi siya Kuya) kasama ang kanyang junakis na anak na medyo bara-bara. Ayun, nasugatan tuloy ng Big brown bear. Don't worry, walang namatay na ape pa naman.


Papakita na si Ceasar ay ang tumayong leader ng mga apes. Siya ang hari. Siya ang masusunod sa groupies. Siya ang batas ganyan. 

Papakits din na nakabuntis ng girl-ape ang bida at ngayon ay ipinanganaks ang kanyang pangalawang baby-baby-baby-oooh!

Switch scenario. Sa gubat, may dalawang unggoy ang ang biglang nakakita ng tao (which is supposedly ay extinct na due to the sakit/epidemya). Nawindang much yung human at binaril yung monkey. Ayun nagkaroon ng rift (naks, rift talaga ang term?? oo, wag mangealams) between the monkeys and the humans.


Since si Ceasar ang leader ng unggoy at dating nakasalamuho ng humans, nagbigay sya ng chance doon sa mga tao para umalis sa kanilang teritoryo. Sabay sabi niya ng linyang "GO!!!! Go now Go, walk out the door, just turn around now, coz your not welcome anymore!"

At tumakas nga ang humans at dito na marereveal na hindi lang sila ang nakaligtas, madami pa sila hakshuli at sila ay nakatira sa city. Ayon sa chismis este binanggit ay nagkaroon sila ng immunity sa sakit kaya sila naka-dream-believe-survive!

Ayaw ng war ng Ceasar at ayaw niyang maasar-ceasar kaya naman go siya sa place ng mga humans at nagbanta!

Sabi niya: "Wiz kayo puntabells sa aming teritoyo! Kenat ang Waelaloo pero if you want it, come on gerrit!" (something like that statement)

Pero di natinag ang humans. Ang pakay pala nila ay yung LaMesa Dam(binigyan ng name yung dam?) na mapagkukunan ng energy para magkakuryente at makapag-tweet at pm sila sa ibang mga humans na maaaring nakaligtas somewhere-somehow-someday.

So larga ang group ng bidang humans para makipag-usap kay Ceasar. Pumayag naman si Ceasar, give chance ang peg. ganyan.

Okay na sana pero syempre, kailangan may maging problema at kailangang may kontrabids kundi walang magiging ganap much at di uusads ang wento sa peliks.

So enter si....

Kuba

este...

Koba

Siya ang right hand Ape ni Ceasar. Mapait ang naging karanasan sa mga tao dahil pinag-ekspirementuhan siya at inabuso(nope, not sexually but most probably physically). Bitter siya at walang trust sa mankind.

 Dahil feel ni Koba na mas mahal pa ni Ceasar ang mga humans at hindi pro-ape ang movements ni Ceasar ay gumawa ito ng paraan para i-blame ang humans.

Binaril ni Koba si Ceasar at isinisi sa mga tao. Na-convince naman niya ang sang-ka-ungguyan na magkaroon ng war against sa humans.

And so they made 'Sugod mga Kapatid' warcry!

Nag-clash ang humans at monkeys! At na-olats ang mga tao. At dito na pumasok sa kokote ni Koba na siya na ang leader! Siya na ang Big Brother na dapat sundin.

Wooooops.... Kung ano kasunods? Di ko na sasabihin.... Nyahahah. Bibitinin ko ng slight. Parang sa pirate films, may missing part minsans hahahahaha.

Sige, clue..... Buhay si Ceasar at tinulungan siya ng bidang humans.

Oh, ayan ha.... siguro dapat medyo may hint na kayo kung anong mangyayari... Na babawiin ni Ceasar ang trono/posisyon niya as leader at kailangan niyang kalabanin si Koba. Dapat ma-kutuban na kayo na magkakaroon pa ng part na it's a sign na talaga ng war between man and ape sa bandang huli.

Score for the film???? 9.ape (9.8) dapat pero gagawin kong 9.5. Hahahaha.

Ayos naman ang naging takbo ng peliks. Madali naman sundan. Mas angat kesa sa puro pasabog na bakbakan ng Transformers. Okay ang effects at hindi heavy ang drama or fight scenes and stuff. 

Medyo may bawas lungs kasi may subtitle dahil di naman nagsasalita lahat ng apes so may instances na magbabasa ka ng sub. Hahaha. Minor lungs naman.

I can say worth it panoorin ang peliks kesa sa isang peliks na hype much dahil ang bida ay famous labteam ng pinas. (Wele se kenele eng lehets).

O siya, hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!

Spacewarp Sentai

$
0
0

Hellow! Tapos na ang travel posts ko kaya naman back to regular kung ano-anong maisipang topic post ang isusulat sa aking bloghouse.

At dahil dyan, since Spacewarp Saturday today, mag-time-travel tayo ng slight at bumalik sa past kung saan medyo ang colored tv ay medyo malabo-labo pa.

Kung babalik sa nakaraan, laging madadaanan at masasagasaan sa usaping 90's show ang mga sentai. Sentai ha, hindi Hentai. Eto yung show na pinagmulan ng Power Rangers franchise sa murica!

At sa usaping Sentai, stand-out na ang show na kilala na ng mga batang 90's, eto ay ang Bioman at ang Maskman. 

Pero alam nio ba na meron pang sentai shows na ipinalabas sa pinas? Yeah! Meron! At dahil dyan, tayo ay mag balik-tanaw sa taklong sentai shows na maaaring naabutan din ng mga batang 90's. 

Note: Eto ang tatlong sentai shows na aking narerecall at medyo naaalala pa.

1. Turborangers


Medyo naiba ang name niya sa mga ibang sentai dahil sila ang unang sentai na may dugtong na ranger sa kanilang group name. Sila ay 5 high school seniors na nabigyan ng powers upang iligtas ang sansinukob laban sa kalaban name Violent Demon Tribe. 

Ang long japanese name ng show ay Kousoku Sentai Turboranger with the english name na High SPeed Task Force Turbo Rangers. Meron etong 51 episodes. Ang grupo ay nagcoconsist ng 4 boys at 1 girl. Yep, lalaki ang yellow ranger.


2. Fiveman


Back to the name with the word 'man' for fiveman. Sila naman ay grupies from some planeta na may namesung na 'Sedon'. Yung mudrakels at pudrakels nila ay scientist na nagtatangkang gawing greener ang planeta nila. Howevs, sinugod ang kanilang planeta ng kalaban named 'Zone Empire'. Dahil dyan, ang robot named Arthur G6 (like a G6, like a G6) ay inilikas ang 5 na junakis ng scientists at pumunta sa earth at trinain na maging Fiveman na defender ng mundo.

Ang Jap name nito ay Chikyu Sentai Fiveman na pag naging inglis ay Earth Task Force Fiveman. Ang show na ito ay may 48 episodes. Sila ay magkakapatid na 2 girls at 3 boys.


3. Jetman


May defence group named Skyforce ang nakadevelop ng 'Birdonic Waves' na kayang makapag-enhance ng superhuman abilities. Unfortunately ang grupo ay inatake ng kalaban called Vyram at ang 'Birdonic Waves' ay napasakamay ng 4 eartlings. Dito dedepensahan ng mga naging Jetman ang mundo against sa Vyram.

Itong palabas na ito ay may japanese name na Chokin Sentai Jetman at converted sa english name na Birdman Task Force Jetman. Meron itong 50 episodes at sila ay binubuo ng 3 boys at 2 girls pero may twist. Ang yellow ay lalaki at ang blue ay babae. Eto rin ang palabas na may namatay na member sa bandang dulo ng wento. Nadeds si Black.


After nito, di na ata naging 'IN' sa noypis ang japanese sentai at ang tinangkilik ay ang US franchise na Power Rangers (Yung Tiranosor, Mastodon, Teridaktil, Traysirataps, SebertutTayger lols).

Ay, nakakamiss ang mga old shows, hahaha, Kung mahusay ang net ko, mag mamarathon ako via youtube. :p

O sya, hanggang dito na lungs po muna. 

Take Care!

Time Slip: Dr. Jin

$
0
0

Hey! Howdy! Kamusta na kayo mga kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kakhanto!Kamusta ang inyong weekend? Ay, i forgot, weekday ninyo pala ang monday at tuesday. Hehehe. Ako pala ang nag-weekend. 

Anyway, itong katatapos na aking araw ng pahinga, habang madalas umuulan na dala ata ng bagyong Henry (di ako updated sa news kung kelan ang dating ng bagyo and stuff like that), ako ay tambay sa bahay lamang at nag-marathon ng series. 

At iyan ang ating ibibida para sa post na ito. Ang K-serye na aking nipanood ay may pamagats na Time Slip: Dr. Jin.

♫♪ Doctor Jin, Jones, Calling Doctor Jin ♪♫
♫♪Doctor Jin, Doctor Jin, Get up now (Wake up now)♪♫

Ang story ay magsisimula kay Dr. Jin (Ah-yippie-yi-yu, Ah-yippie-yi-yeah, Ah-yippie-yi-yu-ah) na isang doctor malamangs. Isa siyang neurosurgeon thingy. Tapos may nioperahan siyang tao na may tumor sa ulo (nope, not the head down there). 


Then ipapakita na may jowabells si Dr. Jin name Kim Na Na Mi Na.Happy couple yung dalawa kaso nagkaroon ng misunderstanding about sa medyo arrogant attitude ni Dr. Jin sa isang pasyente na ayaw na niyang operahans dahil malaki na ang chance na madededo ito.

Dahil sa medyo sama ng loob ni Mi Na, nag-drivelaloo siya ng car na may galit at sa kasamaang palads, naaksidente ang kanyang minamanehong car (kaya don't drive peeps pag galit kayo!).

Then during operation ata ni Mi Na (magulo kasi ng slight ang umpisa kasi switch back and fourth ang slightly past at slightly present) nakarinig ng kakaibang boses si Dr. Jin at sumakit ang kanyang ulo.

Nagpahangin siya sa rooftop at doon nakita niya ang isang guy na inoperahan niya na nagnakaw ng mga medical supplies ganyan. Pinigilan ni Dr. Jin yung guy at nahulog sa bldg.

Di siya namatay. Instead napunta siya sa past. Sa long long long ago past.

Dito maiipit si Dr. Jin sa nakaraan kasi napunta siya sa history ng korea thingy.

Sa kanyang byahe sa nakaraan, mamimeet niya ang mga taong ito.


Lee Ha-Eung- Ang lalaking nagligtas kay Dr. Jin noong tinutugis siya ng mga pulis/soldiers. Malalaman sa kalagitnaan na kamag-anakan ng hari at magiging ama ng king.


Choon Hong- ANg kamag-anakan ata ni Hwang Jini. Isang Gisaeng (GRO) na misteryosa na tila may alam sa pagbiyahe ni Dr. Jin sa nakaraan.


Kim Kyung-Tak- isang pulis na junakis sa labas ng isang makapangyarihang clan noong panahon ng kopong-kopong. Siya ang lalaking magiging fiance ng past version ni Mi Na.


Hong Young-Rae- Ang 1860's persona ni Mi Na. Siya ang babaeng maiinlab kay Dr. Jin at medyo napapahamak sa mga anik-anik na nagaganap.

Sa pagbyahe ni Dr. Jin sa nakaraan, madaming kamalian ang nagawa niya sa pagbabago ng history. From future, gumawa siya ng mga desisyon na pagligtas ng mga taong nasa bingit ng kamatayan kahit na ang mga medical process at medicine ay di pa available sa mga panahong iyon.

Okay naman ang series. Medyo mahaba lang kasi 22 episodes siya lahat lahat. Andaming mga medical terms and jargons and process ang ginawa ni Dr. Jin sa mga naging pasyente niya. Nakakabanas ang mga kontrabida sa serye (those evil laughs ng mga kurap officials). 

At the end, medyo so-so lang ang ending for me pero keri lang. Kasi sa hinaba-haba ng prusisyon, medyo napa-fastforward na ako sa ending. Seriously, anhaba lungs!

Medyo magulo lang ang concept ng Parallel Universe na tila yun ang concept ng serye. Kasi Usually parallel universe ay same year but different story flow ganyan. Pero for me, time travel thingy/ destiny shenanigans eklaver, reincarnation shizzniz ang peg.

Kung irarate si Dr. Jin....... Bibigyan ko ng 8.9 (sapat naman pero dahil mahaba much at nakakabanas ang mga pulitiko sa serye, nabawasan ang score na dapat ay 9).

O siya, hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!

Kanta ulit!

♫♪♫
Doctor Jin, Jin, Calling Doctor Jin
Doctor Jin, Doctor Jin, Wake up now (Wake up now)

Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah

Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah

August, Be Random to Me

$
0
0

Heyaaaaaa! Heyaaaaa! Kamustasa na kayow mga ka-khanto! Tapos na ang July at pumasok na ang August. Kumbaga sa chwirrer, uso na ang katagang 'August, be good to me' chenelins.

For today, mag random post naman muna tayo para naman may post agad for this month. You know naman, medyo dryspell ang post. heheheh.

1. Una, Office shenags! Last saturday, may event thingy sa opisina kung saan may technical thingy training/seminar/summit/convention  at may free accomodation sa Shangri-la Hotel. Sarap ng libreng accomodation.

2. However, medyo sad kasi yearly-event yung nabanggit sa itaas at normally may free gift per tao na aattend. Unfortunately, no gift/freebie this year! Sucks! Booo. Umasa ako sa waler!

3. May nakakwentuhan akong ka-opis about work related stuff and nagjive yung observation namin sa mga bagay-bagay na may relate sa office. 

4. Last Sunday, Nag-byahe kami sa Beijing, China! Medyo sinekreto kasi di ko sure kung matutuloy or hindi. You know naman, may mga needed items like Visa and issues like missing planes and stuff.

5. Napuntahan ang isang bahagi ng Great Wall of China (ang wento ay sa darating na blog post)

6. Maswerte ang china dahil meron silang Mcdo na nagbebenta ng One Piece toys! 

7. Doraemon ang Happy Meal ng mcdo dito sa pinas!

8. Mas okay ang new flavor ng Frap sa Starbucks. Tiramisu is much much better than the Strawberry Cheesecake Flavor.

9. After ng byahe, getting ready na ang fam sa papalapit na operasyon ng bukol sa boobelya ng aking mudrax. Sana maging successful. 

10. August na, and some US TV shows will start.... hello Survivor, Walking Dead at Amazing Race.

At, hanggang dito na lang muna! Take Care!

*-*-*-*-*-*-*-*-
Pahabol. Ngayon-ngayon lungs naganap.

11. Nawento ko sa inyona medyo nagbibo-bibohan ako sa opis and make sali sa magazine thingy writing cheverlins. So i made an english article about Summer Desti. Ngayong na-release na yung mag, pagkakita ko sa article, medyo nasaktan ang ego ko, mga 10-20% ganyan.

Pagkakita ko kasi, parang hindi ko work at article yung nabasa ko. It's like someone na tila sumanib ng katawang lupa ko at nagwento ng experience shenanigans.

I feel bad na feeling ko sa sobrang palpak ng article ko, kailangan may intervention at magpaganda at magplantsa ng sinulat ko.

Though i appreciate na gumanda nga at umokey ang sulatin pero syempre, it hurts...

Sabi nga sa mga linya ng peliks.... Ansaket-saket! (sandal sa pader, ilalagay ang kamay sa noo at unti-unting dadausdos pababa sabay salampak sa sahig).

Medyo i feel like my work is totally crap na pinagbigyan na lungs at pinush para mailagay.

I don't know kung kakayanin ko pa sumulat ng english. I feel like isa akong Chinese na pinagtatawanan ang ingles ko.

Got to shake this feeling off and move on.

Sabi nga ng mga palabang characters.... 'Whatever' (snap fingers 3x), I don't care...Care bear!

Lols..... Hahahahah. Pasensya na, kailangan ko lang ilabas ang saloobin kow.

Braving Beijing

$
0
0
Hey! I'm back! Dahil weekend na ng mga folks at tila nagpapahinga ang mga kanuto at aussies na sinusupport namin over the phone, e may time to make salitype for the wento ng byaheng China.

Be ready, medyo mahabang wentuhan to.

March this year, after ng aking Batanes Trip at before mag-Siargao, nagkaroon ng seat sale ang CebuPac at nagpost ako sa FB to inform folks ng sale. Then after a day, nakareceive ako ng message sa sisterette ko na nagbook daw sya ng flight to China! 

Like seriously???! Yan ang tumakbo sa isip ko pero since na book na ay wala na ako magagawa (aangal pa ba me, andyan na yan eh).

Actually, kaya di ko nababanggit sa random shenanigan post ko ang byaheng Beijing ay dahil medyo hesitant ako. Baket? Like hello! Merong issue about China claiming iskarboro (dehins ko knows spellings) at mga negative stuff about China. So di ako mapakali if dapat bang iwento ito or antay na lang na matapos ang trip.

Tapos lately may mga plane accident na ganap so nakakadagdag naman ito sa stress at worries na iniisip ko. I know i'm paranoid much lungs.

Pero since walang atrasan ay sige, go na. Famous line nga, bahala na si Superman ganyan. At since kakaiba ang trip na ito ay not the usual dahil need ng Visa. 

So kailangan make asikaso the needed items like 2x2 pic with white background, ITR, Bank Certificate at form. Kanya-kanyang asikaso na kami ng requirements at ang mudrakels na ang nagsubmit ng documents sa embassy ng china somewhere in manila.

Then came the actual day ng lipad. Sunday night ng  July 27.

Right after ng Shangri-La thingy ay back to bahay ako para sabay-sabay na kami ng fam ko papuntang airport, sa may Naia Terminal 3. Medyo maaga kami doon para may time pa para magpapalit ng kaban ng cash na gagamitin namin pagdating doon.

Mudrax, Pudrax, Khanto, 
Ate ko at BF nia at ang kanilang junakis na osong si Pinky (not webb)

Around 7pm ang flight namin at medyo na shock ako dahil walang ibang pinoy sa flight namin to China. Like, emergerd, kami lungs ang pinoy at lahat na ay Chinese! Huwaaaaat!

Pero ignore at i don't care-care bear na lungs at itinulog ko na langs ang 4 hours na flight. Yeah, borlogs mode me since i'm pagoda wave lotion sa event sa opis.

Pagdating sa Beijing International Airport, funny thing, di makapaniwala yung tagatatak ng passport sa immigration na ako yung nasa pic. Jusme, malago pa ang buhok ko doons tapos wala akong facial hairs.

Dahil 5 kami at medyo malalaki kami in terms of size, ay nag-special taxi na lamang kami ng direct sa airport to hotel accomodation namin. Medyo mahal sya pero sa tingin ko pede na din kasi malayo ang airport tapos maluwang ang sasakyan compared to possibility na mag 2 taxi kami dahil maliit ang cabs ng China.


Pagdating sa hotel, medyo mahirap mag-communicate dahil tila di sanay mag-english yung sa lobby. Pero dahil antok pa ang katawang lupa ko, hinayaan ko na lang ang ate ko na umasikaso ng mga thingies and possible tour.


So mga 12 or 1, ayos na ng matutulugan at pahinga. Nainform kami na 8am susunduin kami for our tour. (Since 5 nga kami, so malamang 2 cabs ang irerent pag sariling gala, minabuti namin na mag-avail ng tour na may sarili kaming Van).

7am, #abamatindi, tulog pa kami. Kinatok kami ng parents ko (sa ibang room sila) na kakain lang sila ng almuchow. Dahil, 1 hour na lungs, ligo agad me at bumaba para bumili ng almusal sa 7-11(savior for quickie foodie).

8am, kumatok na si kuya chinese bellboy sa room. Alam kong sasabihin niya na andyan na yung sundo for the tour. Kaso di pa masyadong ready ang mga kasama ko kaya kailangan kong sabihin na 'Wait lungs'. Pero ang prob ay di gaanong makaintindi din ng english si koya bellboy.

Buti na lungs ay smart sya at may smartphone na samsung s4 (oo, kabog ang cherry mobile flare ko lols) at sinenyas niya na gamitin yung translate thingy at dahil doon, napagbigay alam ko na wait lang ng mga 10-15 minutes, bababa na dins. Gash, medyo kampliketed.

Pagbaba sa lobby, doon bumungad yung tour guide namin named Jenny (nope, hindi yung jowangerZ ni Eugene ng ghost fighter).

Si Jenny (from the block? chos)
Then umpisa na ng tour.

First stop, ay ang Jade Center. As the name itself, may relate ito sa Jades. Noon daw kasi, ang item na jade ay para lamang sa royalty folks. Pero now, everyone ay pede na makapagsuot or magkaroons ng jade kapag bumili.



 Himas sa ulo ni Buddha pampaswerts

Etong mga bilog na jade symbolizes family generation


Trivia from the discussion/slight tour, mas mahal or mas mataas ang value ng Jade kung ito ay makinis/shiny. Usually ito ay nagiging shiny kapag suot or in contact sa body ng matagalans. So meaning, kung ang bracelet ay ipinamana from 1 generation to another, mas magiging matingkad at makinang ang jade at mas mahals.


After nito ay pumunta na kami sa Great Wall of China. Yeah, ang main place/destination ng China. Ayon sa aming guide, 2 areas lang ang open for public ng great wall dahil yung iba ay parang protected para mapreserve ang wall. Ang name ng section na pinuntahan namin ay Juyongguan ata :p


Sa part na napuntahan namin, ang entrance ay near sa parang connector bridge part ng wall. Medyo may kataasan pala ang hagdans ng wall from one point to another kaya naman limited area lang ang nilakad at inakyat namin. (you know, senior citizen at walang exercise ang mga kasama ko, di sanay sa akyatan ganyans).







 Medyo downside lang ng slight sa Great wall ay ang place ay tila mausok/polluted. Medyo nagmumukang blurry ang wall sa picture.

 O ha, halos di mapansins yung GW sa background

After ng trip to Great Wall, dahil medyo tanghali na, pumunta na kami sa makakainang resto. Sorry folks, di ko na alam ang name ng resto. Basta ang notable doon ay sa ibaba noon ay ceramics maker or gumagawa ng mga jar of hearts jars.






After lunch, dinala kami sa pearl center daw na around the olympic place (not the birds nest, mas lumang Olympic area sa beijing).


Dito unfortunately ay medyo di maganda much ang eksena. It's like they gave orientation about pearls and jade (na alam na namin due to jade center stop).

Dito ay may isang guy na owner ng parang shop ng pearl na nagdiscuss ng kanyang talambuhay cheverlins and ekek and stuff. Though helpful naman yung ibang tips on how to identify fake pearls and jades, ang kaloka lungs ay may translator sya. Habang nagsasalita si guy in chinese, i-eenglish naman nung girl na marunong mag-english.

Medyo waste of time ang naganap here kasi nagwewento si guy na nagpapasalamat sya sa pakikinig sa kanya ganyan at okay lang na hindi bumili pero ramdam mo na parang namimilit sila na bumili ka ng pearls or items. (kakaloks!)

Pero dahil ayaw namin ma-spoil at masira ang trip, ignore na lungs ang eksena at next destination na.

Last stop ng tour namin ay ang Summer Palace.


Ito ay isang malawak na place kung saan mayroong tower/palace na ayon sa guide ay niregalo sa mother ng emperor noon. 

Nakadating kami ng mga 4pm kaya naman medyo limited time na kami. So nagsakay kami ng bangka to make it near the palace at makita din yung Marble boat.






Dito din makikita ang isang walkway kung saan ayon sa aming guide ay kapag ang emperor ay may nagustuhang scenery, ipapaguhit niya ito sa walkway. Somekinda oldschool instagram i guess. :p






Then after that boat ride ulit papunta naman sa area kung saan andoon yung arch bridge (not over troubled water).


Then back to hotel na. We decide na mag-avail ng tour para sa day 2 since medyo hassle nga ang taxi at hirap makahanap ng marunong mag-english. Kasabay na din sa tour para sa kinabukasan ang byahe to airport.

Pagbalik sa hotel, pahinga saglit at naglakad ako (solo-solo flight na muna) dahil walking distance lang for the Wangfujing street or yung shopping street sa beijing. Dito kasi madaming malls at bilihans.



So pasyal-pasyal ginawa ko, stroll-stroll at dito ko nalaman na may One Piece toy ang Mcdo nila! Maygas, tumibok ang puso ko much! Yung mata ko nagblingbling!


12 yuan lungs yung toy basta kasama ng any burger meal! Maygas pulgas! Pero homaygas, nagkaroon ng scarcity at shortage ang mcdo! Wala silang burger! Saklups! So kailangan bilhin separately ang toy worth 25 yuan! Pero dahil One Piece to, kailangan makabili. So binili ko na! Sayang nga lungs at di sabay-sabay lahat ng designs. Yung tulad ng style noon na per batch kada week.



Ang wangfujing ay bukas until mga 10.30 ng gabi at madaming shoppers and folks.

At dyan nagtatapos ang day 1 ko sa Beijing, China.

Salamat sa nagtyagang magbasa ng sinalitype ko dito.

O siya, hanggang dito na lang muna. Abangan ang Day2 ng trip. 

Take Care!

Guardians of the Galaxy Movie Review

$
0
0

Dahil na-dedmadella ang china adventure post ko, di na ako magwewento ng karugtong nun. charot lungs. Pahinga muna tayo ng ilang araw bago yung day 2. Hahaha.

For today magreview-reviewhan muna tayo ng pelikula na tumama sa sinehans nitong linggong ito. Ito ang usap-usapan ng mga nanoods ng pelikula this week, ito ay ang marvel film named 'Guardians of the Galaxy'.

Hinda super bago sa akin ang ilan sa characters sa film dahil sa nilalaro kong fb game na Marvel Avengers Alliance, na-introduce na sila. So meron akong mga 20% knowledge about the sa film.


Pero bago natin simulan ang review, heres the chance to close the window at wag na magbasa kung takot makabasa ng spoilers.
















Ready na ba kayo?????

Sure? oks sabi nio eh, let's review!

It all started sa planet Nemic earth kung saan ay may bagets na batang lalaki ang nakikinig ng music sa kanyang mp3 player este portable casette player.

Then madededs ang kanyang mudrakels at di niya matanggap ang kapalaran kaya he make takbo outside the hospital pero sa takbo ng panyayare, ma-aabduct sya/ makikidnap ng aliens.

After ilang years na lumipas, na-tuli na at nag-binate este nagbinata na yung kiddo at naging isang bida na may alias na si Star Lord.


One time, sa isang lugar, si Star Lord ay may ninakaw na orb at itinakas ito. Balak niyang ibenta ito para naman mabuhay sya chenes.

Then from one point, from the villain side, nagbabalak silang itumba something ang isang planeta/lugar/space place. At kakailanganin nila yung orb na ninakaw ni Star Lord.

Then papakita si Gamora, isang greeny girl na alagad ng villain na nais kunin ang orb mula kay Star Lord. Magkakaroon ng engkwentro yung dalawa.


At makikigulo ang duo ng bounty hunters na ang pakay naman ay kidnappin si Star Lord dahil sa pabuya na nakapatong sa ulo nito. Ang duo ay isang talking raccoon named Rocket na long relative ni Sandy Cheeks ng spongebob at isang humanod-tree named Groot na apo sa tuhod ni Ugat puno ng sineskwela.



Nahuli at nadakip ang apat at nilagay sa piitan or sa kulungan dahil sa public fight na ginawa nila na nakasira ng mga properties at public chaos ganyan.

Sa piitan, malalaman ang real purpose ni Gamora ay ang pagtraydor sa kalaban. Ibebenta na lang nila yung orb sa isang buyer na mas malaki ang presyo kaya naman napilitan magtulong-tulong ang apat upang tumakas sa kulungan.

Sa kulungan ay makakasama nila ang isang ex-con named Drax na ang layunin sa buhay ay maghiganti laban sa kontrabida ng pelikula. At dahil sa kanyang revenge plot, napasama siya sa escapees.


Sa pagtakas ng lima, napunta sila somewhere kung saan na meet nila ang buyer ng orb. Ito ay isang person named collector na nangongolekta ng samutsaring bagay in the outer space.

Dito marereveal na ang nasa loob ng orb ay isang Infinity Stone kung saan ito ay nagtataglay napakalakas na powers ganyan. Malalaman nila na sa super lakas ng prowess ng infinity stone, kaya nitong pasabugin ang isang place/planet.

Dahil sa turn of events, ang infinity stone ay napasakamay ng villains at nagtatangka na wasakin ang isang planeta.

Lumabas ang pusong bayani ni Star Lord at nais niyang pigilan ito. Naconvince niya sila Gamora, Rocket, Drax at Groot para tumulong.

Magagawa kaya nilang iligtas yung planeta laban sa naging powerful na kalaban named Ronan (not keating ang apelyido).


Ang kasagutan ay malalaman kapag pinanood mo sa sine or sa dvd or download kung avail na sa torrents. Aba, wala na libre much. I can't make wento everything! lols.

Ang husga at hatol sa pelikulang ito? May score na 9.7!!!! Hooray! Mas mataas kaysa sa Transformers at spiderman.

Bakit mataas ang score? Kasi fresh ang story and characters. Like seriously, konti pa lang ang may alam tungkol sa Guardians of the Galaxy unless isa kang Marvel fanatic.

First na film pa nila so di pa sawa ang ating mga mata sa characters hindi tulad ng mga nakasanayang heroes like nila Ironman, Spidey, Optimus and stuff.

Next factor ay ang movie length. Sapat ito para maidetalye ang mga dapat maiwento at info about sa mga characters and villains and stuff. Hindi OA sa haba at hindi naman super short.

Ang effects, fight scenes, comedy, drama, love at bg music ay balansyado. Sapat at tama ang timpla kaya naman hindi masakit much sa mata, pandinig at sa pakiramdam.

All in all, isang maganda at sulit na pelikula for movie watchers!

O sya, hanggang dito na lungs muna. Back to work na me mamayang hapon!

Take Care!

Braving China 2

$
0
0
Ni Hao inihaw! Kamusta na kayo? Ui, it's friday na so maya-maya lungs sisigaws na kayo ng TGIF! Congrats sa inyo na magrerestday, party and pahinga mode na.

Well, since may pasok pa ako, di pa pede pumartey so blog-blog na lang at iwewento ko na ang karugs ng byaheng china. Medyo short to kesa sa day 1 pero hopefully matyaga ninyo pading mabasa. Hihihih.

Nag-empaks na kami ng gamit at nag-check out dahil ang plan ay after ng tour, diretso hatid na kami sa airport. Iiwan na lang muna sa sasakyan ang mga baggage counters while on tour since solo naman namin ang sasakyan.

Good thing at si Jenny padin ang guide namin for day 2 kesa mahirap makipag-rapport kung new tour guide nanaman. Saka baka sablay pa mag-english kung new guide, mas okay na doon sa nasubukan na.

Mga 10am, larga na kami papunta sa first destination. (10am kasi ayaw ng mga kasama ko ng super aga kasi pag natapos agad ang tour, magiging matagal ang stay namin sa airport).

Una naming pinuntahan ang Forbidden City.

Ang Forbidden City ay ang dating place kung saan doon nag-iistay ang emperors kasama ng kanyang empress (hindi po Schuck ang apelyido) at concubines. In short, parang malacanyang ng sinaunang China. Napapalibutan ito ng tubig na greenish lols.



Bumaba kami sa bandang Eastern side ng place at kailangan namin maglakad papunta sa Southern part dahil doon ang entrance ng tour.

Dahil tamad-tamaran ang peg ng mga kasama ko, sumakay kami ng venga van thingy. lols.

 
As usual, ang aming tour guide na ang bumili ng ticket para sa amin at kailangan na lang namin mag-antay saglit habang siya ay pumipila. Tuesday pa lang pero medyo madami-dami pa din ang tourists sa spot na ito.



Pagpasok sa loob, medyo malawak yung grounds at sa gitna ay ang stairway to the building/place where the Emperor at kanyang mga ministro ay nagpupulong-pulong for their affiars (not secret affairs).



Madami-dami ang mga cheverloo visitors kaya kailangan makahanap ka ng pwesto to make photos na pang souvenir-souveniran shots.




Sa loob ng forbidden City, halos magkakahawig yung mga house/place pero different ang roles. Like for example, isang place for meetings ng officials, isang place for tagpuan ng Emperor at Empress. Isang place para magkita-kits ang Legal Wife at ang mga Mistress (Empress at Concubines)




Para mas sulit ang pasyal namin sa Forbidden City, nag-rent kami ng attire para F na F ang pagtour. So change costume mode muna.






Halos 2 hours din kami sa loobs ng Forbidden City dahil sa lawak nito. Kaya pala mas recommended ng guide namin na maaga sana para mas sulit ang tour.

Medyo natomjones ang mga kasama ko at dahil tanghali na kaya naman nagpahatid kami sa isang chinese resto na nagspecialize sa Pecking Duck (yung mapagpanggap na ducks).



 Si Jenny at si Johnny: Umeendless Love? (nalimutan ko name ni kuya driver)

 Peking Duck Carver


After mabusog punta naman na kami sa 2nd desti, ang Temple of Heaven. 

Ang temple of heaven ay divided into 3 portions. Andito ang Hall of Prayer for good harvest, Imperial Vault of heaven at Circular Mound Altar.

Bago mo mapuntahan ang taklong area, lakad ka muna sa path na may parang pines thingy.






Then first part ay ang Hall of Prayer.






Tapos lakad-lakad papunta sa next area, Ang Imperial Vault.


365 meters daw tong walkway katumbas ng 1 year




Then ang last ay ang Circular Mound Alatar kung saan sa gitna nito ay ang spot kung saan pinapaniwalaan ng sinaunang Chinese na iyon ay ang sentro ng universe ganyan.






After nito, dapat may pupuntahan pa kaming spot kaso may tinopak dahil pagoda wave lotion na daw at antokyo japan ganyan kaya naman nagpahatid na sa airport.


Since mga 4:30pm ay nasa airport na kami at 1am pa ang flight namin pauwi, nagdecide kami na magbayad for sleeping lounge/room. Yung mga nais magpahinga, matutulogs. Yung hindi pa pagoda like me, ikot-ikot sa airport.

Walang Mcdo sa airport (huhuhu, akala ko makakabili ako ng toy dahil sa commercial, mukang new characters for the week na). Nag-starbucks na lungs me at ginastos ang natitirang kaperahan ko sa isang frap, isang beijing SB mug at isang green planner ng SB. 

Di ko akalain na long day ang magaganap dahil noong gabi, bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan sa China. May announcements na may mga cancelled flights ganyan. At sa kasamaang palads, kasama ang flight namin.


Ang mahirap sa sitwasyon, bawat announcement ay in Chinese language. Kung english man, sandali lungs. So kailangan alert at laging usi at pupunta sa booth/boarding gate ng Cebu Pac to know the details. Ang nangyare pala, aside sa lakas ng ulan, yung plane na galing pinas na dapat ay sasakyan namin, aba, nag landing sa Shanghai at hindi sa Beijing. Ayun.



Halos magdamag kami sa airport at mga 4:30am na ng pinasunod kami para lumabas ng airport for the free hotel accomodation sa stranded.

Medyo chaos ang naganap sa pagkakaroon ng free accomodation kasi yung ilan sa kasabayan namin may mga bata/chikiting. Yung iba naman may mga connecting flights ganyan. 

Mga 6am nakapag-settle na kami sa hotel (gutom na pero di na ininda, gusto lang makatulog). Yung free breakfast ay sinerve pala around 9 pero dahil pagoda ang mga guest, halos walang breakfast na naganap.


May free lunch na packed ang dinala sa amin na sakto lang at magulay kaso no free drinks. Kanya-kanyang buy ng drinks. (ang masaklap nito, halos wala na kami Chinese Yuan kasi ginamit na namin sa airport dahil akala namin ay aalis na kami.

Buti ay medyo may naisingit-singit na Yuan na for souvenir/remembrance sana kaya yun ang ginamit namin for drinks and extra curricular gastos.

Free packed dinner din (7pm)

Bomalabs naman pagsapit ng gabi. Magulo ang announcement kung wat time kami susunduin at ihahatid sa airport. Nung una, nagpanik ang mga tao dahil tumawag ang reception ng hotel informing na aalis na in 10-15 mins. Magkita-kita sa lobby. Tas boom, false alarm.

Then na-adjust. 10pm na daw. Sakto na ang dating ng sundo. So by 10:30 nasa airport na ulit kami. Antay ulit na magbukas yung check-in counter.


Isa nanamang mahabang gabi ang naganap. akala namin 1 or 2 am ay makakaalis na kami dahil 11 naka-check-in na kami. Then poof. naging 4am daw ang flight.

No choice. Antay-antay. Then pagsapit ng 4am, Poof, delayed! 6.30am na! Grabe. Puyat at gutom ang ganap.

Buti at nakaalis din kami ng 6.30am. Tulog ang lahat ng pasahero during the flight at nakadating kami ng mga 11 sa Manila.


Masaya at nakakapagod ang China trip.

At dito ko na tatapusin ang wento ng pagpasyal ko sa Beijing, China.

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!
Viewing all 186 articles
Browse latest View live