Quantcast
Channel: Kwatro Khanto
Viewing all 186 articles
Browse latest View live

Mid-August Random Thingies!

$
0
0

Zupness! Kamusta na kayo? Been a week at heto na muli at tumitipa at nagsasalitype para magtanggal ng agiw-agiw sa bloghouse na ito.

Random thingies nanaman tayow!

Simulan natin sa office stuff tapos kung ano-ano na. Yeah, sa bawat random shenags, kasama ang wentong opisina.

1. Magkakaroon ng parang general assembly thingy sa darating na sabado. At ang theme ay Pajama Partey. But nope, dakila akong pasaway dahil di ako mag-papajama. Like pang conyokel folks lang ang pajama.

2. This end of august, magkakaroon ng team building ang department namin. Honestly, di ako egzoited. Puro bago na kasi members ng team ng department namin e.

3. Sa darating na september, mag se-sex este magsi-six years na me here! Omaygash. Like i've been working here for that long! 

4. Instead na magpa-kalbo me, napagtripan kong mag-mohawk-mohawkan. For a change.

5. Sad to know na pormal na ang pagsasara ng Damuhan. Ang isa sa blog na madalas dalawin.

6. Noong nastranded kami sa China due to cancelled flight, as a compensation, nabigyan kami ng free one-way flight ng cebupac. I'm thinking to use it para makapasyal pa-Davao.

7. Nagiging bisyo ko na ang pagsilip sa Kimstore. Yung gusto mong bilhin ang iphone5c, goPro, xperiaZ1 or Nintendo 3DS XL pero hindi pede. 

8. Dahil may Instax Mini 8 ang aking mudrakels, napabili ako online ng One Piece instax film. And damn, mahal pala ang film.

9. Nagpakamatay daw si Robin Williams due to depression. Maygas. At may ibang nagtweet na ang namatay daw ay si Robbie Williams. Kakaloks!

10. Pag inapprove na ng doc ni mudrakels, ang operasyones niya ay this saturday. May work ako noon so di ko alam kung aabsent ako or papasok since katabi lang ng building namin ang Medical City.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!



She's Dating the Gangster

$
0
0


Ohayu!!! Howdy? Kamusta?  Linggo nanaman at mapayapa ang shift at walang magawa much sa aking cube kaya naman heto at tumitipa at nagsasalitype nanaman para sa inyo.

For today, mag-rereview nananaman mey ng pelikula. Ito ay ang film na She's Dating the Gangster ng Kathniel. (ikr! hahahah, naiisip ko ang nasa isip nio hahaha)

Well, no choice ako kasi wala naman akong makitang ibang magandang film sa suking dvdhan sa may palengks kaya naman pinili ko na to. Yeah, i did not watch sa sinehan due to reasonssssssss (yep, madaming S kasi too many to mention).

Anyway, dahil nagawa ko na at napanood at natyaga ko naman tapusin ang storya dahil medyo oks naman ang cinema copy kahit dinig mo ang cheesy kiligers ng ilan sa mga fantards e keri naman ang film.

so ano? Kung di mo trip, pede close mo na browser. hahahah. 

Okay, ganto.... Mag-uumpisa ang storya sa isang kasal ng barkada ni Richard Gomez na tatay ni Daniel 'Neseye ne eng lehet' Padilla. Dito ay gagawa eksena si DanielP at parang na-ruin ang kasal ng kaberks ni RichardG.

Nagtalo ang mag-ama.... chuva..chenes..chukchak..blahblahblah. pumapasaway thingy si DanielP kesho wala raw time si RichardG sa kanila ng nadeds na mudrakels. Then nag-wish upon a star si DanielP na sana si RichardG na lungs ang nadeds at hindi ang kanyang mommy dearest.

Then kinabukasan, napabalita na si RichardG ay lumipad papuntang Bicol and unfortunately may news na nagcrash/missing/achuchuchu yung plane.

Guilty much sa wish you are dead shenanigan ni DanielP at mega-aligaga ang gago dahil missing ang kanyang tatay. SO he make punta sa HQ ng airplane to make inquiry and status ng eroplano.

Sa pagtatanong sa HQ, doon niya makikilala/makikita si KathrynB na ang hinahanaps ay ang kanyang pudrakels na si RichardG. 

Huwaaaat? Nagulantang much si DanielP and nagtatanong bakit hinahanap noong girlay ang kanyang pudraks. Is it a.) Anak sa labas ng kulambo? b)Kabet-pakbet? c.)WalaTayongPakeKungANongReason.

Malalaman ni DanielP na hinahanap ni KathrynB si RichardG para sa kanyang One True Love named Athena (yeah, like the milky brand name).

So syempre, insulto much ang term na ginamit kasi like what the hell? May nalalaman pang One True love acheche ekek!

Pero no choice, kelangan hanapin ang missing in action na si RichardG. SO ang dalawang PBB teenieboppers ay nag-bengga-bus-hindi-bang-bus papuntang Bicol para hanapin ang tatak ni DanielP.

At kahit mahaba na ang eksplanasyones for the first part, dito sa nekpart talaga ang pinaka takbo ng wents (oo, side story chever lung yung nauna.) Dito ilalahad kung bakit one true lab daw nung Athena si RichardG.


 Noong panahon ng mga albularyo este panahon na uso ang paglalagay ng bandana/panyo sa noo na ala DaomingZi(para kasing 70's or 80's pero 90's ata dahil gumagamit yung bida ng BEEPER, wala pang smart phones noon), meroong siga named Kenji (si RichardG pero bata version so it's DanielP in another persona).

Dahil sa beeper, makikilala ni Kenji/DanielPv1(version 1 kasi somewhere in past, kabataan days ni RichardG) si KathrynBv1(sya si Athena, tita ni KathynB na naghahanap kay RichardG).

Dito irerequest ni DanielPv1 na maging jowabels si KathrynBv1 dahil nais niyang pagselosin ang ex-GF nito. Sa una ay aayaw-ayaw pa tong pa-maria-clara ekek pero dahil sa pagka-angasero at pagka-badboy ay nalaglag-panty ata at pumayag to be kasangkapan sa plot to make jelly the exy.

Pero as the story goes on, parang picture ang dalawang version1 dahil nagkadebelopan sila at tinotohanan na ang relasyones. Naging Mag-GF-BF na sila.

But wait! Syempre kailangang may hahadlang sa labstory para naman hindi matabang ang wento. Like duh, kailangan may kikirot daw sa pu..... puso ng audience.

It turns out, Si KathyrnBv1aka Athena ay may sakit sa Pu....PusonPukiPuknat Puso at bawal siyang maheksayt and stuff like that. And apparently, ang pagka-inlababo niya at mga aktibidades na ginagawa niya ay nakakasama sa kanyang puso.

Nope, di yun ang pinaka-factor... Dahil it turns out, may sakit din yung X-factor ni DanielPv1 at ang mudrakels ni girlay ay nagrequest para balikan si X para humaba pa ang buhay nito if ever.

So anyare? Nagpaka-dakilang sakripisyo si Athena at hinayaan na magkabalik si Kenji at lumayo at nagstates para magpagamot sa sakit sa puso.

Then back to future na. Knows na ni DanielP kung ano ang labstory ng kanyang pudrakels at tila eps langs ang kanyang mudra talaga.

Then ang request pala ni KathynB ay magkita ang kanyang tita Athena at si Kenji for the last time. At nagkita nga at nadeds na si Athena.

Then tapos na ang wento. Haba no? IKR!

Score???? Tinatanong nio ang score for this film? She's Dating a 7. Yeah.... I can only give 7 magic balls for the film.

Reasons:

-Confused sa timeline ang casting. Feeling ko, maipilit lang na old labteam ang ginamit para parallel sa labteam ng new gen. Para masabing Kathniel (Kathryn/Daniel) = Richawn (Richard/Dawn).

-Hindi feel ang term na Gangster in the whole movie thingy. She's Dating a Skaterboy or She's Dating a Siga pede pa. 

-Hindi me masyadong naawa much sa naging condition na may sakit si KathrynB or during the time na nadeads si Dawn kasama ang one true love nia. May missing sa pag-capture ng emotion ng tao. Hindi ako napa-aaaaawwwwwww or huhuhu or :(. 

-The kilig is not magical i guess. hahaha.

Fair na ang score na yan without considering the fact na medyo di ko feel ang tambalang kinakikiligan ata ng madlang folks. Dahil kung yung topaking ako ang magbibigay ng score, marahil 5 or 6 dahil medyo overrated.

(di ko nabasa yung book so wala akong pagbabasehan kung gayang-gaya ang story sa book or what).

Pede na ang DVD copy or magaantay sa mas malinaw version sa torrent. Buti hindi ko nipanood sa sinehan.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Barbers Tale

$
0
0
Midweek na! At eto ay ang aking persday op work. Wednesday is the new Monday for me eh. Ganun talaga kapag kakaiba ang work schedule.

Anyway, for today, review-reviewhan nanaman para sa peliks na aking nipanood nitong nagdaang restday ko. Nope, hindi ito tungkol sa apat-dapat-dapat-apat na kumpare ni Pong Pagong. Hindi rin ito yung peliks tungkol sa asawa ni Richard Gomez na si Lucy. Ang peliks ay ang film na pinagbidahan ni Eugene Domingo, ang Barbers Tale.


Ang story ng pelikula ay iikot sa isang babae na itatago natin sa pangalang Marilou. Si Marilou ay ginampanan ni Eugene Domingo.


Madaming saklap moments ang pagdadaanan ni Marilou. Mula sa panahong 1975 kung saan medyo oldies ang pamumuhay at ang bayan ay under ng Martial Law.

-Minamaliit ng asawa,
-Tumitikim ng puta ang asawa
-Walang anak dahil patay na ito.
-Naging balo (widow) dahil namatay ang asawa
-Dalawa tao lamang ang tinuturing na kaibigan
-Ninang ng isang binata na sumapi sa NPA/rebelde
-Pinakiusapan na tumulong gumamot sa isang sugatang NPA/rebelde
-Ang tinulungan niyang rebelde ay kapatid ng pokpok na tinikman ng asawa
-Nagkaroon ng bagong friend sa katauhan ng asawa ng mayor
-Namulat sa kabaluktutan ng gobyerno at lihim ng mayor
-Namatayan ng kaibigan (asawa ni Mayor)
-Pinatay si Mayor
-Nagtago sa militar

Ang hirap isalaysay ang detalye ng wento kasi medyo kamplicated. Hahahaah kaya naman binullet form ko na lungs.

Maganda ang film dahil simple pero may kurot at may sundot ng konting komedya, may konting laman at merong budbod ng kaalaman at pagbubukas ng isipan.

Pinakita dito ang side ni Marilou bilang isang asawa, ninang, kapitbahay, kaibigan, barbera at isang namulat sa mali ng gobyerno.

Ibang Eugene Domingo ang nasaksihan ko sa film dahil hindi yung usual na palengks type acting na loud and bubbly and jolly ang ginampanan ni Uge. Imbis, medyo silent, subtle at demure type ang peg.

Pero iba ang atake sa pagdrama lalo na yung part na nagfocus sa mukha ni Uge yung camera tapos tumulo yung luha niya.

Di rin nagpatalo ang husay ni Iza Calzado na gumanap bilang asawa ng mayor. Magaling din ang acting prowess. With matching g2g kissing.


Ganun din ang friend ni Marilou sa peliks na ginampanan ni Gladys Reyes. Mahusay.

Bibigyan ko ng 9.5 ang peliks. Kakaibang pelikulang pinoy na napanood ko.

O sya, hanggang dito na lungs muna.Take Care folks!

Heypinibersary Kwatro Khanto!

$
0
0

Ngayon ang ika-limang taon ng bloghouse na Kwatro Khanto!

At dahil dyan, magsasara na din ito katulad ng ilan sa mga personal blogs out there.




































Joke!

Hindi pa naman..... Meron pang mga 50% akong prowess and passion to write. hahahaha.

Hanggang dito na lungs muna!

Take Care!

Talk Back and You're Dead

$
0
0

This week, isang araw lang ang restday ko dahil magkakaroon kami ng team building cheverlins sa darating na saturday. At dahil 1 day RD lungs ako, kelangan magsulit ng araw kaya naman aside sa pagpunta sa divisoria sa pagcheck ng possible ng regalo sa bday ng aking inaanak, nanood ako ng movie.

Dahil may nagsasabing shonget at may nagsasabing maganda ang Ninja Turtles at Rouruni Kenshin, nagtry ako manood ng pelikulang pinoy. Oo, tagalog film ang pinanood ko.

Ang name ng film ay 'Chalk Buck end Yore Did'. Joke, Talk Back and You're Dead ang title nito na hango sa isang libro/wattpad story tulad ng Diary ng Pangit at She's Dating the Gangster.

Ganto ang synopsis ng peliks. Sa isang mall, may agaw eksenang pangyayari dahil may isang girlay na kinoconfront ang jowa niyang two-timer. Sa isang bookstore, yung bidang babae name Sam ay nakita na ang kanyang friendship ay yung babaeng gumagawa ng moments.

So to the rescue ang peg ni Sam at pinagtanggol ang kanyang friend against sa gwapong lalaki. Sa kasagsagan ng eksena, nasampal niya yung lalaki sabay umeskapo sila.

Then napag-alaman na joke at prank lang nung friend niya yung pag-eeksena. And the unfortunate thing ay yung lalaking sinampal niya ay kilalang notorious na gang leader ng mga boylets na galing sa all-boys school called Lucky 13.

Pagkatapos noon, pinuntahan siya sa kanilang all-girls school at hinahanap siya ng grupo ng mga kalalakihan. Tapos ay biglang tinanong siya noong lider ng gang na maging girlfriend siya.

Then medyo hate-hate muna ng slight pero nadevelop din si girl kay guy kahit badboy-badboy ang peg. Then may kilig moments and stuff like that.

Pero it turns out, against ang family ni girl na may relasyones si girl kay Gang leader. At ipinagkasundong ipakasal si girl sa right-hand-man ng leader ng gang named Red. 

Pero me against the world ang peg and cheverlins pero sa huli, sila pa din ang nagkatuluyan. 

The End.

Rating..... 7.2! Yah! 7.2 lungs at lumelevel lang ang peg like the She's Dating the Gangster.

reasons bat ganon?

Una, nabasa ko yung first half ng book at based sa nakita ko, may mga discrepancy sa ilan sa moments na kinuha at pinulot sa book1.

Then, the set of actors... Gaaaahd. It's the same casts from Diary ng Panget! From the core bida like James, Nadine and Yassi (si Andre Paras lang ata ang wala at pinalitan ni Joseph Marco) to the kikay girls from DnP, to the other guy at si Candy Pangilinan. Sana pumili ng ibang mga tao naman... 

The story plot ng book at movie ay medyo magulong ewan na cliche'ish and stuff. Gansters nanaman? Tapos medyo mababaw at paspas ang bandang flow.

Pero infairness, kaya lamang ng .2 ang score ng Talk Back sa She's Dating ay dahil mas may chemistry ang Jadine kesa Kathniel. Iba yung on sceen labteam nila. Bagay naman kay Joseph Marco yung role na Red na sa tingin ko ay di akma kung napunta kay Andre Paras (if full DnP cast ang kinuha).

Abangan na lungs ng slight sa Dvd. lols.

Siguro mas bagay ang cast kung sa librong 'Para sa Hopeless Romantic' sila inilagay.

O cia, hanggang dito na lungs muna. 

Take Care!

 

Randam na Randam na Random

$
0
0
 
Bago mag tapos ang buwan ng wika, kailangan may post pa din me sa aking bloghouse. syempre, kailangang maintain lang pagsasalitype at pagwewento ng anik-anik and stuff.

Before mag trending nanaman sa chwirrer, uunahan ko na ng 'WakeMeUpWhenSeptemberEnds' at 'BeGoodToMeSeptember' ganyan. hahaha.

So let's start the Random thingy....

1. Last saturday, inoperahan na sa bubelya ang aking mudrakels. Nope, di po sya nagpadagdag ng boobies bagkos ay tinanggal ang cyst doon. Successful naman po, salamat sa mga nagdasal for her health.

2. Medyo awkward pala ang may dinadalaw sa hospital. Parang iba ang amoy ng hospital environment e. May kakaibang aura na di ko ma-explain. 

3. Dahil katabi lang ng office building namin ang ospital, nagawa kong mag-shift/pumasok sa opis tapos dadalaw sa ospital for 1 hour ganyan. hahaha. 

4. Nagtatampo ang fam ko dahil nabalitaan nila na nakapagbook kami ng friends/officemates ng roundtrip tix to Korea. Di na daw nila ako isasama kung magbobook sila pa-abroad.

5. Last week, umattend pala ako ng kasal ng classmate ko noong college. Groomsmen ako. Medyo sad lang ng slight dahil 2 lang kami na college friend. Yung isa kasi nagkasakit ang jowa kaya di na sumama. Yung 2 pa naming berks, Missing-in-action kasi lagi.

6. For the past 2 weeks, dumadaan ako sa mga cherry mobile booths to check kung may Flare 3 na sila. Di ko afford mag high end and branded phone kasi feel ko hindi ko namamaximize yung ganung items. Bihira ang mag-text sa akin. Madalas naman nasa harap na ako ng pc to do social media ganyan.

7. Nagbabalik yung tindero ng asian peliks sa quiaps. Yung dati kasing vendor ay medyo shunga, parang walang ma-suggest kung ano ang magandang film. Hopefully makapag-blog muli ako ng asian films.

8. Ngayon lang ako naglalaro ng Brave Frontier na game sa android device. Inuninstall ko FB at twitter ko dahil malakas kumain ng memory yung game. E mababa yung capacity ng luma kong phone.

9. Kapamilya na pala ang tambalang Jadine (James and Nadine)

10. Hindi daw pusa si Hello Kitty! What? So ano next? Si Snoopy ay hindi aso, ang TMNT ay hindi turtles, si Ronald Mcdonald ay hindi Clown at si Jollibee ay hindi bubuyog.

11. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi nagsimula sa office related shenanigans ang random? For a change, ginawa ko syang sa hulihan. 

12. New schedule na kami by next month, balik panggabi na. Magdalena schedule ang peg... Tulog sa umaga, gising sa gabi.

13. New schedule ko na ay 8pm-5am. Tapos ang restday ko na ay Wed-Thur.

14. Bukas ay team building ng department namin, nasabi ko na di ako egzoited.  Yep, after 1 week, di ko totally feel ito. Half-hearted lang. 

15. I really miss my old team. hahaha. Yung ingay, yung kwentuhan, yung bonding. Yung presensya pa lang nila sa floor/opis ay sapat na. And sadly nagsialisan na ang ilan sa kanila.

Hanggang dito na lang muna, baka maiyak ako ng wala sa oras. nyahahahah.

Take Care!

Wake Me up Before You Go Go When September Ends Random

$
0
0
Linis ng agiw here*

Tanggal alikabok there*

Pagpag-pagpag at punaspunas ng mga alikabok*


Hello, buong september ata ay tamad-tamaran ang peg kaya walang post kaya naman before it ends, heto ang month long random shenanigans.

1. Back to night shift! And nakakapanibago ang dami ng calls compared sa 2pm-11pm shift.

2. Mas nakakagutom ang night shift dahil sa dami ng calls, nakakadrain ng energy at stressful ng slight.

3. Last Sept. 6, nag-celebrate ng Bday yung previous Team lead namin at nag-pool party kami.


4. Yung event sa number 3 ay Bday/ Mini reunion/team building from those ka-teams na wala na (nag-resign na or napromote).

5. Honestly, namiss ko yung mga dati kong ka-team. hahahaha.

6. After ng operasyones sa boobies ng mudrakels, negative daw ang findings.

7. And so may pa-thanksgiving chuva swimming kami sa october, sabay na din sa bday celeb.

8. Nag-horror movie peliks kami ng mga HS friends at di ko maiblog ang review.

9. 300 na ang minimum reload for Starbucks card.

10. Bumili ako ng new smartphone. Cherry Mobile Flare S3. Di ko afford mag branded phone.


11. Sulit naman kasi nakakapag games na ako ng maayos dahil malaki ang screen.

12. Current game na nilalaro ko ay Summoners War at Knights N Squires na kinaaadikan ko.


13. Last sept 17, nagshopping ako ng libro sa Manila International Book Fair sa MOA.


14. Nakabili ako ng 10 books na puro tagalog ang author, buy pinoy ang peg.

15. Then came typhoon Mario ng Sept. 18-19. Honlokos ng Julanis Morisette.

16. Buti na lang at iba na ang bahay namin kundi ay binaha nanaman siguro kami at damaged items nanamans.

17. Nagbirthday yung inaanaks ko sa Mcdo. Binilan ko sya ng Ironman figure.


18. Season 21 na pala ng Americas Next Top Model na ang theme ay Girls vs Guys.

19. mag-o-October na, may Be Careful with my Heart pa ata.

20. Di ko pa napapanood yung Rouruni Kenshin 2 tapos may 3 pa.

21. Sept.20, ginanap ang Bench Naked Truth. Sabi sa tweet, naging gaybar daw to. lols.

22. Ang mga babae daw ay balot sa damit at sikipsikipan ang peg at tanging lalaki lang ang nagshow ng skin.

23. Dami nagkakanda-ugaga sa new iPhone6 release thingy. Andaming comments from folks.


24. Sa opis, ni-launch na ang new version ng antivirus na sinusupport namin, ang Trend Micro 2015.

25. Nagtapos na yung isa sa sinusubaybayan kong manga na 'Historys Strongest Disciple Kenichi'.

26. Napanood ko na yung Maze Runner. Abangan ang review-reviewhan.

27. May namimiss akong mga tao pero parang di naman nila ako miss.

28. Sana umulan at bumaha ng pera.

29. Salamats sa mga nagtyatyaga pang magbasa.

30. Take care! God Bless!

The Maze Runner

$
0
0
I'm back to blogging! Yeah, may drive na ulit magsasalitype ng anik-anik kahit walang nagbabasa masyadow sa aking bloghouse. 

Heniway-hiway, for today ay magrereview-reviewhan tayo ng isang peliks na nirelease last week. Ito ay ang 'The Maze Runner". Di na to super duper spoiler kasi may delay ng 1 week at malamang sa alamang napanood na ninyo to at kayo ay nakaabang sa ikatlong peliks ng Rouruni Kenshin.

Pero sa mga dehins pa nakakanoods, well, eto na ang chance para malaman ang wento or mag back-out dahil may spoilerphobic kayo. Harharhar.











Nakapag-isip-isip na ba you? Yah sure? Hokie-dokies.... Let's go!

Warning: Spoilers aheads :p
 
 
Magsisimula ang wento sa isang binatilyong (may temporary amnesia) nakasakay sa isang elevator/lift na nanggaling sa ibababang portion na medyo darkish at ang lift ay papaakyat. Pagdating sa itaas, bumukas ang lift at nashock ang binatilyo.

"Center Maze..... Thank You"...ansabi ni Cheridel

Syempre wala talaga si elevator girl. Pero bagkus, ay tinitignan si binatilyong ng madaming boylets. Feeling niya ay isa siyang attraction sa perya ganyan.
 
 

Then nagtatakbo siya hanggang sa madapa siya at na-culture shock sa nakita. WTF! OMG! GRAVY! Ganun ang expression ng makita na merong somewhat gigantic wall na nakapaligids.

Then napag-alamanan niya na nasa isang lugar siya na parang enclosed environment at siya ay part na ng isang community ng mga kalalakihan. In short, nasa place siya ng sausage parteeeey.

Dito ay isinaad sa kanya ni Alby (nope, hindi yung nakabuntis kay Andy Eigenmann) na di nila alam bakit sila nandoon, ang mga gawaing komunidad at ang ipinagbabawals. Bawal lapitan yung tila entrance thingy ng wall.

Dito niya nakilala ang ilan sa tila head ng komunidad aside from Alby. Ito ay sina Newt at si Gally na medyo mainit ang dugo sa kanya. 
 
 Newt

 Gally

As the movie progress, nacucurious siya sa kung ano ang nasa wall at doon pa lang niya nalaman na isa itong living maze wall kung saan ito ay nagpapabago-bago sa loob. Meron ding creatures thingy called Grievers.

Nalaman niya din na merong mga grupo ng mga boys na pumapasok sa maze upang i-scout at hanapin ang possible exit. Sila ay tinatawag na mga runners. Ang mga runners ay pinamumunuan ng isang asian guy named Min Ho (nope, hinde lee ang lastname).

 Minho

Kung matatandaans, may slight amnesia ang bida diba? So sa medyo kalahating bahagi ng first part, naalala ng bidang boy ang namesung niya. Hulaan ninyo ano name?


Then for some situation, napasok sa maze etong si Thomas dahil bayani-bayanihan ang peg at doon ay naka-face-to-face niya ang isa sa creatures sa loob ng maze. Syemps, bida siya kaya nakaligtas at napatay niya yung monster.

Then magkakaroon pa ng ganap-ganapan sa wento. Mga pangyayaring nakakatamad iwento much kasi baka humaba pa lalo ang post ganyans. Pero isa sa ganap ay ang pagsulpot ng new person mula sa elevator/lift.

Enter rose among the thorns. Papasok ang nag-iisang babae na baka magangbang kung sakaling taglibogelya ang lahats ng kalalakihan sa community lols. Ang namesung ni girlay ay may relate sa isang peliks.


 Teresa

Tapos ma-uunravel pa ang ilan sa lihim na hindi ko na idedetalye para may element of suspense at mystery achuchuchu. Pero ang pinaka climax e kailangan na tumakas ng mga folks at makalabas ng exit.

Madaming nasakripisyong buhay at nategi during the whole story pero keri lungs daw madami din ang nakalabas ng maze at nakapunta sa exit.

Then makikita nila ang video ng tila 'creator/leader/head' ng Maze. May ichinika ito sa mga survivors mula sa maze. So nag-grab ng popcorn ang survivors at pinanood ang vid.

Ang last statement ng 'creator/leader/head' ng Maze ay 'WCKD is Good'


Pero bago mag-end ang peliks, kailangan may mamamatay. Secret kung sino yun. Hahahaha.

And nakatakas ang mga survivors sa maze.... Pero yun ang akala nila, it seems that staged ang pinagkekemerut ng 'creator/leader/head' ng Maze. At ang survivors ay dadalin sa next stage/round ng maze.

The end.

Score for the film? I give it a 9.

Nagustohan ko yung wents. Medyo simple ng slight pero nakakathrill at nakakaexcite ang kaganapan. Nakakacurious din ang mystery kung bakit na-create yung maze and stuff. Kaabang-abang ang next movie nila at nakakattempt magbasa ng book.

O sya, hanggang dire na lungs muna! Take Care folks!

And Happy Weekend sa mga may Weekend ng sat-sun.

Wedding Peach

$
0
0
 Hello there mga ka-Khanto! Kamustasa na ba kayo? Long time no see/hear/read ah! Sensya na at natagalan ang pagsasalitype dito sa bloghouse, medyo wala lang sa mood and passion ganyans.

Pero wag mag-alala, di naman nangangahulugan na magsasara na ang bloghouse na ito. Medyo hiatus ekek lang ganyan paminsan minsans.

Anyway highway, for today, tayo ay mag-ta-time-space-warp at magbabalik tayo somewhere down the road dahil magbabalik tanaw tayo sa isang anime na pinalabas noon noong ako ay fetus pa ganyan. Eto ay ang anime from Channel 2, kapamilya....


Nope, hindi sila related sa mga female warriors named after some planets like Pluto, Neptune, Uranus and ganyans. Hindi rin sila kaano-ano ng taklong babae na pinadala sa Sefiro na sumasakay sa robots. Kung medyo clueless ka at di mo binasa ang title, mahihirapan ka. Pero ang featured anime for today ay 'Wedding Peach'.

Ang story ay tatakbo sa isang society na may taklong mundo. Ang demon world, Angel World atsaka ang human world. Ang queen ng demon world ay nais sirain ang mundo ng mga angels. And so ang queen ng angel world named Aprodite ay nagpadala ng anghel sa human world upang i-summon ang taklong girlays na dating Angels na nareincarnate sa human world upang magiging tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan.

Dito makikilala ang taklong human warriors na magdedefend sa Angel World. Pero nagkaroon ng ice cream promo-like thingy kaya naging 3 in 1 plus 1. So instead na tatlong Angel warriors, naging apat sila. Silang apat ang nakatoka na talunin ang evil queen. But bago nila matalo ang kalabs, kailangang mahanap ang Saint Something Four.

To get to know the girlays, Heto at kilalanin natin sila.


1. 
Real Name: Momoko Hanasaki
Code Name: Wedding Peach
Birthday: March 3, 1983
Personality: Bright, Cheerful, with a bit of Temper and Clumsy
Bridal Item: Saint Something Old- Ruby Ring (Love of Family)
 

2. 
Real Name: Yuri Tanima
Code Name: Angel Lily
Birthday: July 7, 1982
Personality: Well-mannered, Polite and Sensitive
Bridal Item: Saint Something Blue- Sapphire Earrings  (Love of Nature)


3.
Real Name: Hinagiku Tamano
Code Name: Angel Daisy
Birthday: May 5, 1983
Personality: Tomboyish and rough yet sensitive
Bridal Item: Saint Something Borrowed- Emerald Necklace (Friendship)


4.
Real Name: Scarlet O'Hara
Code Name: Angel Salvia
Birthday: unknown
Personality: Loner and unforgiving
Bridal Item: Saint Something New- Diamond Tiara  (Hope for the Future)

May mga lablayp yung mga bids pero di ko na ieexpound much dahil kulang na sa time (kulang na sa time? ano to, TV show???). 

Panghapon tong show na ito kaya naman very limiteds lang ang recall ko dahil may cases na you know, lalaro sa labas with friends dahil dehins naman me super couch potato. lols.

Ang wedding ay part ng show ng mga batang 90's.

O sya, hanggang dito na lungs muna, Take Care!

Randoctober

$
0
0


Hey! Ilang tambling na lang at tapos na ang birthmonth ko. Hahahahuhuhu. Nakakatawang nakakalungkot ganyans. Medyo konti ang ganap sa buwan na ito pero medyo madaming anik-anik ako na gusto kong ibuhos. Lols, buhos talaga? Magsasalitype lang me ng mga tumatakbo sa isip at puso ko. 

Sensya kung magiging mahaba. Wala naman kasi akong mapagkwentuhan in person na merong pake kaya dito na lang sa blog, kahit madedma, keri lungs.

1. Oct. 11, Bday celeb ng junakis ng isang opismate/friend na ginanaps sa Jollibee. At masasabi kong mas lively mag-host ng bday ang Jollibee compared sa Mcdo.

2. Pero mas cute padin si Grimace kesa kay Jollibee (MHO)

3. Nabanggit ko last time (last random last month) na magkakaroons kami ng bday celeb for me at thanksgiving cheverlins for my moms recovery. Well, ginanap yun noong Oct. 12. Right after ng pasok ko ng saturday night.

4. Dahil loner type pokemon ako, wala akong bisita sa araw na iyon. Ang mga umattend sa naturang event ay kamag-anakan at mga kumare/kumpare ng aking mudrakels.

5. During that time, napaisip ako na sa medyo pagka-busy ko sa work ay di ko na napansins ang changes much sa mga kamag-anakans. Mga nagsisidalagahan at nagsisibinataan na ang ilan. Tas ang iba ay mas dumami na ang junakis.

6. Since invited ng mudraks ang kumare/kumpare niya sa opisina niya noon, nameet ko muli yung 2 sa mga dating kababata na kasama noon sa mga company outing ng mudraks. Tulad ko, mga nagsilakihans na. Time goes by so fast ang ekek.

7. Naka 7 bottles ako ng san mig light in almost 1.5 hours. Di ko alam kung ginawa kong softdrinks yung alak. Tengene, after 1 hour, medyo nahilong-talelong me at ako'y nagkaamats na. tsktsktsk.

8. Sa opis ako inabutan ng actual na bday. However, walang ganap dahil busy sa calls. maygas, so loser.

9. Yung mas naalala agad ng former team lead ko ang aking bday at nagreet agad ako (12am) compared sa current team lead na after pa ng shift saka ako na greet. 

10. Since restday ko yung bday ko, nagmall ako kaso wala akong feel na peliks so bumili na lungs me ng pizza at yon ang kinains sa haus at itinulog lang ang actual bday. 

11. Kinabukasan, to makeup sa mga hindi nakapunta sa bday celeb ng sunday, ang HS friends ay nagsetup ng sleepover at doon na lungs kami kumains at nagcelebrate kasama ng dalawa pang october celebrants.

12. To treat teammates, nagpa-pizza na lungs mey dahil walang time bumili ng anik-anik foodies.

13. Medyo nakakasad ng slights, kasi usually kapag may bday celebrants, may birthday greetings achuchuchu na sinesend. Ang masakit? 2 kaming celebrants sa premium team namin pero yung isa lang ang may greeting thingy. Been a week and wala, wala talaga, walang pahabol shenanigans.

14. Okay naman ang pagsisimula ng The Walking Dead season 5. 

15. Nakapag-catchup na ako sa Game of Thrones season 4. At tila kumonti ang soft porn scenes.

16. Sapat naman ang new season ng Once Upon a Time na featuring 'Frozen' characters.

17. Nagbubukas na palang muli ang Saranggola Blog Awards! At maganda ngayon dahil different themes for different categories.

18. Mag te-team-outing kami sa La union. Oct. 25 ng umaga ang alis, oct. 26 ng tanghali ang balik. Yeah, paguran itwu dahil 8pm ng Oct. 26, may shift pa!

19. Queueing week much here sa opis this week hays

20. Everything will be alright.......

Hanggang dito na lungs muna. Salamats sa time.

Monster Rancher

$
0
0
Hey! Zups! Yung team building/outing sana namin this weekend ay dehins natuloy dahil may mga nag-backout at sudden cancellation kaya naman heto at medyo annoyed and slightly pissed. Slightly pissed??? Sabeh?

Anyway, the cancellation never bothered me anyway kaya naman tuloy lang ang life at bahala na naman si batman sa kaganapan ganyan. For now, ituon ang slight frustration into writing kaya naman heto ako at nagsasalitype in terms of blogging.

For today, magbalik tanaw tayo sa isang anime na hango sa isang computer game. Ito ay ang anime called 'Monster Rancher'.


Magsisimula ang wento sa isang bagets named Genki (nope hindi siya yung sina-summon ni Chiaki na may Kuko ni Diva). Si Genki ay galing sa real world at maglalaro siya ng isang Playstation game na monster cheverlins. Dehins niya knows na mahihigop siya sa game na kanyang nilalaro. Mapapadpad siya sa Monster world.

'Tanggalin ang sumpa kay Genki! char!'

Dito ay makikilala niya ang isang female bagets named Holly (hindi water or trinity ang apelyido). Si Holly ay isang manlalakbay upang hanapin ang isang legendary monster na Phoenix dahil ito daw ang makakatalo sa masamang monster called Moo.


'Hindi sya nagbabalat ng patatas katulad ng ibang girl'

Ang dalawa ay magsasama upang hanapin ang monster na Phoenix upang matalo ang dark monster. Sa kanilang paghahanaps, mamemeet nila/makakasama ang 5 monsters.

Monster Rangers


1. Mochi- Ang pinkish duckish thingy na na-summon ni Genki gamit ang disk. Isang baby-kinda monster na medyo epaloid.


2. Suezo- Ang yellow cyclopish monster na kasama ni Holly sa paglalakbay. Medyo madaldal at medyo scaredy type.


3. Tiger- Ang astiging blue hound monster na nakilala along the way nila genki. Coolish at medyo snobbish ang peg.


4. Golem- Ang gentle giant na nakasama sa paglalakbay nila Holly. Medyo tahimik at kind hearted na jumbohala.


5. Hare- Ang kunehong malakas ang utot. Si Hare ay isang energetic at palabirong monster subalit laging nakakainitan ni Tiger.
 
Sa paglalakbay nila Holly, Genki and friends, syemps dapat may mga kontapelo at kontrabida sa mga buhay-buhay nila. Walang saysay ang kanilang travel kung walang enemies. Sa ibaba ay ang mga general na pinadala ni Moo para hindi mahanap ang legendary monster na Phoenix.

 
At ang pinaka-lider ng mga kalaban. ang nakakatakot na si Moo!


Syempre charlots lang yung larawan sa itaas. Eto talaga ang real look ni Moo.


So ano ang naging kinahinatnan ng wento? Yung medyo nagpakapagod ang grupo nila genki na hanapin yung Phoenix pero technically, nasa katawang-monster pala ng limang kasama nila ang soul ng Phoenix na makakatalo kay Moo.


Okay yung series, egzoiting kahit kada thursday lang ang palabas sa GMA. Inabangans ko ito. Kaso di ako satisfied sa ending. Hahahaha. Di ko na iwewento.

Dahil sa anime na ito, nagustohan ko yung playstation game na Monster Rancher. lols.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take care!

Sanrio Characters

$
0
0
Nakakadalawang attend na ako ng birthday party sa Jollibee at parehong party ay for baby girls. And so ang theme ng kiddie partey ay relate sa pusang hindi pusa... Si Hello Kitty!

At dahil sa kaganapan na yan, medyo freshie pa ang theme ng kiddie party na kinda ume-echo sa aking isipans... K-I- TITI-WHY- K-I- TITI-WHY- Everybody say Hello KIRI woops KIRI wooops everytime i see you! lols... bastos naman much ng song...

Anyway highway, ang post for today, after ang long hiatus-hiatus moment ay tungkol sa mga characters ng Sanrio kung saan part si Hello Kitty.


Kung batang 90's ka, medyo alam mo na fave brand ang Sanrio noon (not sure kung uso pa sya now).  Kung may klasmeyt ka na girlay, malamang ay aside kay chwitty vird chances ay peborit ng kaklase mo ang famewhore na pusang si Kitty. Pero alam mo ba, na aside kay Kitty ay meron pang mga kilalang characters noons?

 Di mo alam? Seryowso? Sang yungib ka ba nagtago? Naging yelo ka din ba katulad ng jowa ni Michael Joe ng Maskman ganyan? Well, kung di mo sila kilala, heto ang 10 Sanrio Characters.


1. Hello Kitty- Ang pamosang pussy ng Sanrio. Siya ang laging bida. Siya ang laging may ganap. Kapag red or pink, associated na sa kanya. She already. Pero di daw sya pusa. Tao daw sya. Woops, wag mong pagkakamalan na siya ang kapatid na si Mimmy. Magkaiba sila ng color ng ribbon sa tenga.


2. Dear Daniel- Ang F-Buddy ni Hello Kitty. Siya ang childhood friend at pakner ni Kitty. Kumbaga, siya ang Ken version ng Barbie ganyan. Pero di alam ni Kitty, two-timer sya dahil si Dear Daniel (hindi matsunaga ang apelyido)ay may other woman.... si Mimmy! Huwat!!! lol


3. My Melody- Ang laging 2nd best... Ang always the bridesmaid, never the bride. Siya kasi ang nek-in-line na fave. Laging second option ang peg ng pink hooded bunny na ito. Siya ang 2nd BFF ni Hello Kitty. My motto siya na talunin ang friend niya in terms of popularity.


4. Kerokerokeroppi- Keroppi ang nickname ng boobies big-eyed choserang palaka na may blush-on sa cheecks ganyan.Unlike Kitty, confirmed na palaka si Keroppi at walang identity crisis sa life. Siya ata ang idol ni spongebob dahil may friend din itong snail.


5. Pekkle- Ang lalaking dick este duck na mahilig magsuot ng blue shirt na may letter 'P' that stands for 'PUKI' este 'Pekkle'.  Mahilig sumayaw at kumanta etong itik na ito kaya may time na nag-aral sya ng lap-dancing este tap-dancing.


6. Pochacco- May pusa, kuneho, palaka at itik na, so dapat may representative ang mga dumo-dogstyle este puppy love. Si pochacco ay white cutie chubby doggie with black batik sa tenga. Ang playful dog na mahilig sa sports tulad ng habulang gahasa at patid-tero.


7. Bad Badtz-Maru- Ang bad-ass character ng Sanrio. Ang katagang Badtz ay nangangahulugang 'mali/wrong' at ang Maru na ibig sabihin ay 'tama/correct'. So technically si Bad Badtz-Maru ay isang Mali na Tamang black penguin. Gulo niya sa buhay.


8. Little Twin Stars- Ang kambal ng tadhana ng Sanrio characters. Nope, hindi po Julio at Julia ang namesung nila.Ang little angel-like character na lalaki with blue hair ay may name na 'Kiki' while the girl with pink hair ay 'Titi''Lala'.


9. Zashikibuta- Kailangan may representative ang lechon! Pero nasan ang apple? Chos! So dapat lam nio na si Zashikibuta ay malayong kamag-anakan ng mga pinaslang at kinatay nila aling Mila at aling Lydia. Si Zashikibuta ay may fave na lotion called 'mang tomas'.


10. Tuxedo Sam- Ang character from the arctic area ay si Tuxedo Sam na isang blue Penguin. Nope, di niya daw kakilala si 'Pinggu' pero friends niya ang 'penguins of Madagascar'. Fashonista ang lolo Sam ninyo dahil may koleksyon siya na bowties na may bilang na 365.

Akshuli, madami pang characters kaso ang 10 sa kanila lang kilala ko dahil sikats nga yan noons saka may cartoon pa yan sa channel 2. lols

Hanggang dits na lungs muna. TC!

The Gawad Kalinga Adventure

$
0
0

Zup guys! Malamig na desyembre sa inyong lahats. I know na busy much ang karamihan dahil sa papadating na bagyong Ruby (hindi Rodriguez ang apelyido). I'm back nga pala from hiatus sa pagsasalitype. Same reason for the last past months, katam.

Anyway highway, for today, nais ko lang magshare ng naging ganap last November. Nope, it's not the No shave novemner thingy at hindi rin haluwin eklachus.Ito ay tungkol sa 1 week na pahinga sa nakakapagod and exhausting hell week sa office (biglang dami ng calls at queueing much). Sa 1 week na iyon, ako ay nag-join sa tinatawag na Gawad Kalinga.

Ano ang Gawad Kalinga? Eto link... hahahah Pindot here

Plasbak, 6 years na ang nakalilipas ng pumasoks me here sa kumpanya at noon ay nababalitaans ko na yung tungkol sa 'GK' na kwento ng mga folks na nagvovolunteers sa ganito.

Masasabi ko na sa mga nakalipas na taons, curious ako kung talagang enjoy at masaya ang pagkakawang gawa shenanigans and stuff like that.

This year, nakapagdecide ako sa sarili ko na nais ko ding maranasan ang pagsali sa GK kaya naman lakas loob akong nag-sign up at umasa na mapasali. At swerte much ay natanggap ang aking application. Nakatakda ang GK week ng Nov. 17-21.

Weeks before ang ganaps, kinakabatutan me at worried ng slight kung anong mangyayari. Like kaya ko ba? Andaming mga what if what if na tumatakbo sa isip ko at kung anik-anik pa. Pero naisip ko na bahala na, just go with the flow na lungs.

Inorient na din kaming mga PH volunteers ng aming HR kung anong magiging takbo at proceedure and stuff like that. Mga possible na gagawin at ang tila itenerary for the week.

Sumapit ang lunes, Nov. 17, around 8 am ay nagmeetup kaming mga volunteers sa main PH office para antayin ang mga makakasama namin. Heto ang bilang ng volunteers: 7 pinoy volunteers tapos 3 from our USA region, 4 sa European region, 4 sa Japan, 2 from Australia at 6 from Taiwan.

So sa morning, introduction lang from co-volunteers at short tour sa aming office. Medyo nakakahiya kasi ako ang nag-tour sa kanila sa floor namin at sa sobrang mahiyain me, medyo hambilis ng quick tour. lols.

Matapos noon, diretcho kami sa HQ ng Gawad Kalinga for Orientation and briefing ganyan. Doon na din kami nag lunch at saka ibinigay ang starter kit (bag with items like shirt, gloves, hat at sleeves protector- yung main pic sa blogpost).



Then byahe na kami to the GK site na located sa Cavite.

After ilang oras ng kembot este byahe, nakadating na kami sa resort kung saan kami mag stay ng ilang gabi. Ito ay may namesung na La Traviesa.




Sandali lang kaming at nag-set ng gamit namin dahil fly kami sa main site kung saan kami magwowork for the next 3 days.







Adter a quick tour, sa hapon, nagkaroon ng mini game thingy so that makabond ng volunteers ang mga kiddielets. 




Pagsapit ng gabi, after ng dinner, kami ay nag-ayos ng mga donations ng clothes and toys and food at nag-pack kami. Ito ay ibibigay sa mga pamilyang naninirahan sa GK site.





After nito, ang ilan ay nagpahinga na at ang ilan ay nag-charade games bago matapos ang Day 1.

At dito ko muna tatapusin ang wento ng GK adventure. :D Abangan ang susunod na ganaps.

Note: Ang karamihan sa larawan ay kuha sa camera ng kasamang volunteer na si Geno. (wala akong masyadong kuha sa Day 1).

SI

$
0
0

Happy Thursday folks! How are you? Nag-umpisa na ba kayo ng simbang tabi este simbang landi este simbang gabi? Pasensya na nga pala at hindi gaanong updated ang bloghouse. 3 films na ang nipanood ko pero wala akong review like the Hunger Games, Penguins of Madagascar at ang recent na Hobbits. Siguro nektaym.

For today, book review muna tayo dahil merong new book si Bob Ong. Yes! After ilang taong pag-aantay, merong book si Bob Ong. Eto ay may pamagat na 'Si'. Oo, 2 letters lungs ang title, wag na mangealams.

Ang wento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng wento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.

Ang wento ay reverse story telling dahil ito ay mga fragments ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang character na nasa pabaligtad na ayos. Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga characters.

Maganda naman at hindi masyadong malalim ang wika o pananalita na ginamit sa libro. Madaling intindihin ang laman ng libro kaya di mo na kailanganganing mag-isip kung ano ang kaganapans. 

Makakaramdam ka ng sweetness ng mag-asawa, ang ngiti sa ibang kaganapan, ang lungkot sa mga nangyari sa ibang karakter at ang twist.

Kung ang content ng kwento ng libro ay bibigyan ko ng markang 9. Okay sa akin at pasado naman ang nilalaman ng bagong handog ni Bob Ong.

Pero.... pero... pero perong bukids..... Sa aking palagay, hindi makatarungan ang halagang 400 petot sa libro. Yeah, i know, hardbound... pero para sa mga madlang readers, maaari sanang nasa 150-250 range lang ang libro para na din sa mga students.

Hanggang dito na langs muna, Take Care folks!


The Gawad Kalinga Adventure 2

$
0
0
Ikalawang araw na ng Gawad Kalinga experience sa may Cavite. Ang almuchow namin ay naka-set around 6:30am dahil pagsapit ng 8am, kailangan na naming pumunta sa GK site para magbanat ng buto-buto.

Sa unang araw ng gawa namin(2nd day ay ang 1st day of work), required kaming suotins ang free GK shirt namins saka ang name tags dahil hindi pa naman kami gaanong magkakakilala by names ng mga kasamahans. Bago pumunta sa site, picture muna pati sa jeep na sasakyans.



Then fly na ang jeep sa site na mga 15-20 mins ride lang.Pagdating sa site, kailangan may morning exercise muna. For this day, ang group ng Taiwanese ang naka-toka para mag lead ng stretching and warm-ups. Right after that, designation ng tasks and work na gagawins.

 But before that, let me take a selfie lols

Ang tasks na availables ay pagpintura ng balur, pagkuha ng panambak na lupa para maflat ang sahigs, mag-igib ng tubig at buhangin at ang paglalagay ng hallowblocks sa septic tank na ginagawa pa lungs.




Ang trabaho at pagbabanat buto ay mula 8am hanggang 11am. Then antay na mag-serve ng foodang for tanghalians at mahinga habang tirik na tirik ang haring araw. Balik trabaho pagsapit ng 1am to 3am.

After ng work, pagsapit ng 3pm, may mga mini aktibidades na ganap. Sa araw na ito, merong kaming cultural thingy kung saan for every groups ay magpapakita ng mga bagayor anik-anik na part ng kanilang culture thing.

 Ang mga observers, co-Trenders, kiddos and mga parents

Unang sumabak ang grupo ng Japanese kung saan may costume pa silang kimono thingy. Kasama noon ay ang small skit about samurais and ninja.




Next ay ang from team Australia kung saan nagpakita sila ng small stuffy ng Koala atsaka nag-sample ng isang famed palaman/spread called Vegemite.



Then ang Team USA na nag-feature ng isang fave sports nila sa states... Nope, not basketball (ishoot mo-ishoot mo- ishoot mo na ang ball) eto ay ang Football... American Football. Nagsample ng play and cheering.




Sumunods naman ang team EMEA (europeans) kung saan may dala silang mga postcards na ipinamahagi showing the places sa kanila.



Kasunod ay ang team Taiwan kung saan may niluto silang parang pudding type na foodie na pagkain nila doon. Nalimutan ko na ang tawag lols.



Syemps, papahuli ba ang Team GILAS? chos, Team Pinas ang huling nagshare ng culture thingy. Nope, di kami sumayaws ng Pandanggo sa Ilaw or Maglalatik or Tinikling or Singkil. Ang featured ay ang pinoy festival games anik-aniks.

 Kadang-kadang sa bao

 Pukpok Palayok

 Sack Race

 Luksong Tinik

After nito, back to base camp na muna. Dinner ng 7pm at small talk about sa kaganapans ganyans. Share-share ng realization and stuff pati ng possible na palaro para sa carnival/perya type thingy sa day3 ng work.



And that's a wrap for day2. Nakakapagods na masaya :D

note: muli, ang mga larawan ay hindi lamang sa akin, yung iba ay grabbed from FB friends na may shots ng anik-aniks. :D

Pasko na, Random ko...

$
0
0

O hei! Kamusta na kayo mga folks? Greet ko muna kayo ng Merry Christmas kahit na kahapon pa ang pasko. You know, busy ng slights.

Bago ako magshare ulit ng GK adventure, random-random muna para updated naman kayo sa mga anik-anik kahit na ayaw nio hahaha.

1. Nagseason finale na ang survivor, ang nanalo ay si Nadiya na 2x joiner ng Amazing race pero di pinalad. Pero infair, nanalo sya sa survivor due to great gameplay.

2. Nag finale na din ang nipapanood kong Amazing Race. Ang nanalo naman doon ay ang Candy Scientist thingy. Trivia, sa season 25 ng Amazing race, dumaan sila sa pinas.

3. Pasko na, at alam nio dapat na sa ganitong panahon ay panahon ng MMFF. Sa aking pagchecheck ng movies, mukang ang trip ko ay ang Feng Shui2 or yung English Only Please. Pero abangers sa DVD na lung.

4. Personally, i gained weight nanaman this 2004. Gash, yung ipinayat ko ng 2013, nawalang parang bula. Need mag-diet for 2015.

5. Oks na ang mudrakels ko, Nagraradiation thingy na lungs everyday para daw mag dry yung mga veins veins stuff sa tinapyas na boobie.

6. Medyo nahaggard ako ng slight this christmas season. Anhirap maghagilaps ng pangregalo sa mga kiddos and friends. Jampakan sa malls at ang price, jusme, nakakaluwa ng mata. lols.

7. Woops, dito ko sa bandang gitna ipapasok ang wentong opis. Medyo annoyed ako ng slight sa opisina namins. hahaha.

8. May mga feelingerong team kasi na lagi na lang sila ang anak ng dyos na laging naka-special task at di nagcacalls. Yung laging may meeting and shenanigans. Tapos kami ang sumasalo ng calls. Kapagods.

9. Last Dec. 13, nag christmas party ang company namin at di nanaman me nanalo ng any prize. Sayang kasi anlaki ng prize like 3,500 USD, 2,500USD, mga trip to bora or cebu and Gaming showcase and iPhone6.

10. Yung christmas party ng current team ko ay so-so lang. And since di ko masyadong ramdam ang unity sa team, nag-christmas party kami ng old teammates (mas happy ako sa piling ng mga dating ka-team kahit resigned na sila or iba na ang position sa office).

11. Etong pasko, solo lang ako sa bahay dahil nasa probinsya ang parents ko at ang sister ko ay kasama ang jowa sa baguio. Di ako nag-celebrate ng noche buena.

12. Here sa office, buti konti lang ang calls, pero kailangan pumasok for double pay. lols. Kailangan ng kaperahan for travel plans ng 2015.

13. Next week, same din, may pasok ako ng New Year. I'll treat it as a regular day na lang para walang kirot, walang sakit lols.

14. Bumili ako ng new books, hopefully ay mabasa ko na sila.

15. Advance Happy New Year sa INYO na walang sawa na napapadpad here sa bloghouse ko. Nawa ay swertehin kayo much this 2015. Ingats palagi!

Take Care.

Feng Shui 2

$
0
0

Yo! Kamusta or kumusta (dahil daw hango ito sa katagang como esta eklachus)! May energy ng slight for a movie review-reviewhan kaya eto ako at tumitipa ng mga letra sa keyboard at iwewento ang isang MMFF film na pinanood noong pasko... Ito ay ang Feng Shui 2.


Warning: ang susunod na post ay naglalaman ng buod/synopsis ng peliks kaya kung ayaw ma-spoil, chupi -chupi muna lols.

Magsisimula sa pagpapakita ng chinatown shots at kung anik-anik sa chinatown na black and white at may ilang mga bagay lang ang colored. Medyo mahaba-haba ang opening credits kaya ihanda ang popcorn dahil ubos-oras much ito.

Then ipapakits ang flashback kung saan may kambal na bagets na nakapulot ng cursed Bagua sa lumang house ni Kristeta. Ipinakita na minalas ang naging owner ng bagua ganyans. Deads ang owner na nalaglag from a condominium.

Then ipapakita na thi Cocow Marthin. Thiya kathi ang itha tha bida ng peliks. So napag-utusan siya ng isang chinese old lady upang bawiin ang bagua kapalit ng kaban ng cash.

Ang bagua ay napasakamay temporary ni Mr. Shoo Li (yung intsik beho na kasama sa feng shui 1). At dito ay kailangan nakawin ni Coco ang bagay.

Pero bago maganap ang nakawan, ipapakits ang buhay ni Coco na laki sa hirap at may lasenggang mudrax na may julalay na bangkero at may hater na mainit ang ulo sa kanya. 

Ninakaw na nga ni Coco ang Bagua at dahil curious sya, binuksan niya yung nakabalot sa telang bagua at nakita niya ang sarili sa salamin. At alam na ang ganap, si Coco na ang new owner ng bagua. Siya ang sweswertehin while ang mga next in line na makikita ang sarili sa salamin ay mate-tegi.

Di ko na masyadong iwewents yung ganap about sa swerteng nakuha ni coco and stuff. Basta sweswertehin sya at dito magcru-curth ang landath nila ni Krith Aquino, the old owner ng bagua 10 yearth ago.

Then ipapakita ang eksena na pamangkin/kamag-anakan ni Lotus Feet yung old lady na nagpapanakaw ng Bagua. Nagtry itong kausapin ang matandang white lady-ish thingy na si Lotus Feet pero waley, instead na maiuwi niya back to china ang Bagua, kinuha ang kaluluwa ni old lady.

Ipapakits na si Kris Aquino or Joy as screen name. Nag-flashback ang ganap last movie at ipinakita ang naging buhay ni Kris after at pinakita na may lablayp na sya. At don't forget the ads na nasa movie like the ilaw-ilaw thing, padala thingy at yung pansit thingy. Kailangan maipasok sa peliks ang sponsors.

Then it shows na dalawahan na ang pagpatay ni Lotus Feet. Bakit dalawahan? Buy 1 take 1 ang peg. Pero ang eksplanasyones dyan, epaloid yung pamangkin na kinuha ni Lotus Feet kaya ayun, power of two na ang ganaps. Epal kasi.

At syemps kailangan daw maputol ang sumpa! Kailangan sirain nanaman ang hinayupak na lecheng Bagua. Dito i-eexplain ni mr. shoo li na mga kapekpekang naganap na dulot ng Bagua at ang paraan pano ito maputol. Dito lalabas ang previous owners na nagsurvive like Krith Aquino and Cherry Pie.

Then daming ganap and stuff hanggang sa madami pang napatay ang killer Bagua. Hanggang sa dumating na sa peak ng wento na over-over na kailangan na talagang mawasak ang bagua.

Dito ay eepal ang mga warfreak at tambay sa manila na hahadlang sa landas nila Kris at bubugbog sa mga bida. Habulan-habulan ekek hanggang mapunta si Kris sa Taoist Temple para basagin ang Bagua.

Pero boo-hoooooo, sorry ka kristetha dahil you failed. Akala mo nabasag mo ang hinayupak na pakingshet na Bagua pero hindi. Deads na si Coco Martin dahil sa mga tambay ng Manila at mukang may Feng Shui3 na magaganap sa future na malay mo, 3 na souls na ang kukunin. 

Score? ummmm. 7.6 out of 10.

First movie is way more scary than the second installment. Di ko gets ano pinaglalaban nung pamangkin ni Lotus feet e hindi naman siya yung mismong nakaranas ng paghihirap noong tiya niya. Atsaka dapat si Lotus Feet pa ang may uber galit. Basta parang may flaw yung new reason ng hatred nila Lotus Fleet.

Technically keri naman ang Feng Shui 2 pero not that great.

O heto, pampaswerte.

O cia, hanggang dito na lang. Take Care.

English Only, Please!

$
0
0

Hello dear readers! I'm back! Hahahah. And for today, we will have another film review from the MMFF entries. We'll have 'English Only, Please' film review.

Warning, this post contain spoilers that is not suited for those spoilaters. You've been warned!








Gash.... Tissue! Bulak! Panyo! Twalya! Bedsheet! Dinugo much ako sa ilang linya ng inglis para sa aking bloghouse! Kenat! Kenat! Dapat sa comfort language tayo...

Magsisimula ang wents sa isang Semikalbo-ish mukang pinoy na inglisherong lalaki named Julian na gumagamit ng camfrog lols. Siya ay nag-iinterview ng mga applicants as an english-tagalog translator thingy. Madaming nagtangka pero sablay much ang ilan pwera sa isang bibbo girl named Tere.

Si Julian ay galing sa break-up at gusto niyang matutong maitranslate ang break-up letter niya sa tagalog upang masabi niya ito ng harapan sa kanyang ex (gusto nia ng harapan, harapin mo... Face to Face!)

So here comes Tere na nagtu-tutor ng mga taong nais humusay sa inglis at ito ang magtratranslate at magtuturo ng tagalogation sa kanutong si Julian.

Magkakapalagayan ng loobs ang dalawa lalo na ng makaranas ng heartbreak si Tere mula sa kanyang tila FuckBuddy ex sa katauhan ni Kean Cipriano na jugjug lang ang ganap at chickboy (haba ng pubic hair much? Di pa nakuntento kay Tere?)

Pero pano kung magmemeet muli si Julian at ang kanyang Ex? Anmanyayare kay Tere? Aba... abangan nio at panoorin sa peliks! Alangan naman na iwento ko pa. lols.

Ang film ay swak na romcom. Hindi pilit ang chemistry at hindi ibinabank sa popularity much ng labteam. hahaha. Nakakakilig din at feel good ang film na ito kasi it gives you a lighter side of love. Hindi over dramatic love story na langit-lupa-impyerno-im-im-impyerno.

Okay din ang supporting factors katulad ng bessie ni Tere na najontis in the age of 20 at ngayon ay naghahanap ng love subalit tila sawi dahil nagbaback-out ang mga guys kapag nalalaman na may junanak ito.

I will give the film a score of 9. Mas mataas ito sa Feng Shui2. Not bad sapat naman ang ibinayads. Deserve ni Jennelyn at Derek ang award na natanggap dahil sa husay nila sa pagganap ng role.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

heto pala yung trailer:



Thanks 2014!

$
0
0
Ang 2014 ay naging mabait sa akin in terms of my travel opportunities. Nagscroll-scroll ako sa aking pesbuk timeline at napansins na halos every month pala ay may gala ako somewhere. 

Thus as the usual year ender post, hetow ang flashback ng travel ganaps for 2014.













Walang ganap noong buwan ng agosto dahil yun ang buwan na ni-operahans ang mudrakels sa kanyang boobie tapos ang buwan naman ng oktubre ay ang aking birthday kaya nothing so so special. hahahaha.

Masaya ako sa byahe ko ng 2014 at sana ang 2015 ay mas maging masaya.

At para sa mga readers ng bloghouse, sana ay swertehins kayo at maging happy and great ang inyong 2015. Syemps, dapats lahats ay happy.

O cia, see you next year! Hahahahah. Take Care!

HEYPINEWYIR!

2015 Horoscope

$
0
0

Hello everybody, Happy New year sa inyong tanan. Pumasok na ang 2015 kaya naman hep hep hooray! For today, kung dadalaw ka sa pebuk at magbabasa-basa ka doon, malamang sa alamang ay makakabasa ka ng horoscope mo.

Kaya naman, heto... heto talaga... hoy!!! chost! Heto ang horoscope for 2015. Nope, this is not the chinese zodiac thingy.

January 20 to February 18

1. Aquarius
Sometimes, the feeling is right, you fall in love for the first time. Heartbeat and kisses so sweet, summertime love in the moonlight. Ayipiyayiyuuuuu....ayipiyayiyey... Swerte ka sa taong 2015 dahil sure na wet ka... As in may dilig factor ang lumpia mo. Di mo mararamdaman ang el ninyo sa gabi.

Ipasa/repost/ishare mo or else magkakaroon ka ng kuto este garapata sa bulbol. harharhar.

February 19 to March 20

2. Pisces
Hindi totoong nakakamura ka ng by bundle, mas napapagastos ka doon. Dapat kapag bibili ka, by pisces este piece. Sapat naman ang magiging 2015 mo basta maging mapanuri, mapagmatyag at mapangahas ka..... Laging i-chunky check ang mga price ng sales and promos.

Ipasa/repost/ishare mo or else makakakain ka ng expired na delata.

March 21 to April 19

3. Aries
Kung nakapagtravel ka ng husto sa nakaraang taon, at feeling mo same ang mangyayari sa iyo sa 2015. Wow... You're not feeling well. Di ka makakagala much this time. Medyo tambay ang peg mo. Wag kang Aries ng aries at maging taongbahay. Homecaytion ang iyong ipapauso.

Ipasa/repost/ishare mo or else kahit sa mall di ka makakaalis.

April 20 to May 20

4. Taurus
Isang magarbong palakpakan para sa iyo. Congrats! Hooray! Magbunyi. Sa wakas, makakagawa ka na ng facebook account mo for 2015. Natauhan ka na na kailagan mo din ng account para makita ang mga larawan mo sa mga events and gathering. Di na uso ang pa-print kase.

Ipasa/repost/ishare mo or else mahahack ang bago mong account sa social media.

May 21 to June 20

5. Gemini
Wag ka na magpa-shy-shy. Gusto nila'y todo bigay.... Kaya lumandi ka na! Unleash the hidden higad in you! You need to flirt all the way... as in all the way para buhay na buhay ang lablayp mo sa taong 2015. All the way...

Ipasa/repost/ishare mo or else mangangati ka... mangangati sa sa private parts.

June 21 to July 22

6. Cancer
Not so good news for you sa pagpasok ng taon. Magkakasakit ka. Hindi lang ubo. Hindi lang sipon. Mas malala. Magkaka-beke ka at soreeyes. Don't worry, hindi naman super lala ng sakit na aabutin mo kaya madadaan naman sa bed rest at pahinga.

Ipasa/repost/ishare mo or else magkakaroon ka ng malaking almuranas.

July 23 to August 22

7. Leo
Huwag matakot sumugal ngayong bagong taon. Eto na ang chance mo to push your luck. Push lang ng push dahil may dugo kang pusher. Pagkakataon mo na ilabas ang swerteng nakatago ng wagas last year kaya ka minalas.

Ipasa/repost/ishare mo or else matatalo ka sa sugal, tapos mangungutang ka kung kani-kanino.

August 23 to September 22

8. Virgo
You've made it through the wilderness. Somehow you made it through. Like a virgin... Touched for the very first time. Swerte ka dahil ang mapapakasalan mo for 2015 ay isang birhen. Never been kissed, never been touched, never been loved.

Ipasa/repost/ishare mo or else makakahanap ka ng virgin, virgin sa ilong.

September 23 to October 22

9. Libra
Utang na loob, please lang, 2015 kaya tigil-tigilan na ang Frozen peg. Let it Go! Stop living sa nakaraan at mapunta sa nakaraanzone. Move on din. Bitawan na kasi minsan ang nakaraan na dapat kalimutan at humakbang na sa kasalukuyan.

Ipasa/repost/ishare mo or else sa 2020 ka pa makaka move on.

October 23 to November 21

10. Scorpio
Wag ka na masyadong umasa sa kataga at mottong 'Pag may alak, may balak'. Face your fear friend at kailangan mong harapin ito face to face. I-ask mo na siya ng diretsahan na gusto mo siyang tikman, papakin at lantakin. Humirit ng pasawsaw naman ng hotdog ko.

Ipasa/repost/ishare mo or else maiipit sa zipper mo ang buhok ni junjun.


November 22 to December 21

11. Sagittarius
Tigil-tigilan mo muna ang pagtambay mo sa page ni Marcelo at nagiging pa-hopeless romatic ang peg mo masyado. Masyado kang nagpapadala sa mga quotable-quotes kaya nabubulag ka na sa kung ano-anong anik-anik tips/payo about love.

Ipasa/repost/ishare mo or else mababasteed ka ng 5x swear.

December 22 to January 19

12. Capricorn
Wala. Walang makitang kapalaran para sa iyo for 2015. Ewan ko ba, ayaw magbigay ng clue ng mga stars. Kahit si Madam Zenaida Seva ay clueless, nag-ask-a-friend na nga siya kay madam auring pero wala daw talaga.

Kahit wag mo na Ipasa/repost/ishare kasi wala ka namang kapalaran. 

Tandaan char-char lang ang nasasaad sa itaas. Kapag sineryoso mo ewan ko na lungs.
Viewing all 186 articles
Browse latest View live